BOC TUTOK VS. HAZARDOUS WASTES

HAZARDOUS WASTES

(ni BOY ANACTA)

BUMUO  ang Bureau of Customs (BOC) ng isang unit na tututok  sa mga magtatangkang magpasok ng mga nakalalasong ba­sura sa bansa.

Ang nasabing unit ay tinawag na Environmental Protection and Compliance Division (EPCD). Bagay na rin  ito sa  inisyung  Customs Memorandum Order (CMO) No. 38-2019 ni  Customs Commissioner Rey Leo­nardo B. Guerrero para sa pagtatag ng  EPCD.

Ang  EPCD, ang permanente at  specialized unit na naatasan na magmo-monitor at magkokontrol ng pagpasok ng mga nakalalasong sangkap (hazardous substances) at iba pang basura sa bansa gayundin ng pag-monitor sa pagproseso ng shipments ng hazardous subs­tances, waste products, nuclear wastes, recyclable products o substances sa ilalim ng regulatory control ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ang EPCD, na  nasa ilalim ng Enforcement and Security Service (ESS) ng Enforcement Group (EG) ang siyang  nagrekomenda sa paglalabas ng alert orders at prelodgment control orders laban sa shipments ng pinaghihinalaang may dalang basura o nakalalasong sangkap na labag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at Environmental Laws.

Ito rin ang naatasan na mag-imbestiga ng mga kaso at gagawa ng rekomendas­yon para sa mga kakasuhan na lumabag sa CMTA, na may kaugnayan sa environmental at iba pang batas, rules at regulations.

Ang BOC, bilang isa sa mga regulatory agencies, ay naatasan na tumulong sa DENR sa pagbabantay at pagprotekta laban sa pagpasok ng hazardous at nuclear wastes sa bansa.

Ito ay pagsunod na rin sa  Republic Act 6969 o ang Toxic Substances and Ha­zardous at Nuclear Wastes Control Act of 1999.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment