X-ray machines dinagdagan
(Ni JOEL O. AMONGO)
Lalo pang hinigpitan ng Bureau of Customs (BOC) ang border security sa buong bansa sa pamamagitan ng paglalagay ng mas maraming x-ray scanners machines sa Port of Manila (POM), Manila International Container Port (MICP), Port of Davao at Port of Cebu kamakailan.
Nitong nagdaang Setyembre 24, dalawang x-ray machines ang inilagay sa BOC-POM.
Una nang bumili ang BOC ng anim na upgraded x-ray machines mula sa Astrophysics Inc., isang US company based sa Southern California.
Layunin ng ahensya, na matupad ang kanilang planong mapalakas ang border security measure sa pamamagitan ng kanilang non-intrusive inspection capabilities sa containerized shipments.
Sa anim na units, dalawa sa mga ito ay inilagay sa POM, dalawa para sa MICP, isa para sa Port of Davao at isa para sa Port of Cebu.
Sa ilalim ng BOC X-ray Inspection Project (XIP), ang mga bagong biling modern x-ray machines ay makaka-scan ng 120 container per hour.
Ang nasabing mga makina, ay may material discrimination capability na kung saan ang x-ray image analysis ay may kakayanang malaman ang organic at inorganic materials.
Ang kapasidad ng makina ay kayang gumawa ng image analysis ng x-ray inspectors ng tama sa kanilang decision-making process.
Mas mababa rin ang radiation dose ng nasabing x-ray machines para tiyakin na ligtas ang mga hahawak nito maging sa publiko na may transaksyon sa kanila.
Dahil sa x-ray scanners ay inaasahan na mas mapapaganda pa ang kapasidad ng BOC para malaman ang smuggled at anti-social goods tulad ng misdeclared items, undervalued goods, non-declared goods maging sa pagpasok ng narcotics sa mga pwerto sa buong bansa.
Bukod dito, mapapabilis at magiging epektibo ang screening ng containerized shipments na may minimum interruption sa galaw ng goods sa loob ng mga pwerto.
Nakadisenyo rin ang x-ray scanners para sa pagpapabilis ng operasyon at maintenance at sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang pagkaabala at mapaganda ang trace facilitation.
166