CIGARETTE-MAKING MACHINES WINASAK

CIGARETTE-MAKING MACHINES-2

WINASAK ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark ang mga makinang gamit sa paggawa ng mga pekeng sigarilyo noong nakaraang Lunes, Nobyembre 18, 2019.

Kabilang sa mga sinira ang pitong units ng cigarette-making machines, isang unit ng plastic recycling machine, isang unit ng manual lifter, isang unit ng generator set, at isang unit ng generator cooling system.

Ang mga ito ay nasabat noong  Pebrero 19, 2019 at kinumpiska noong nakarang Hulyo 26, 2019 dahil sa paglabag sa Section 1113 (f) at (l) ng CMTA, at winasak sa pamamagitan ng backhoe.

Nauna rito, noong Nobyembre 19, 2018, dalawang sets ng cigarette manufacturing machines, isang set ng semi-automa­tic strapping machine, plastic shredding facility, 145 cigarette master cases, packaging materials at tax stamps ang winasak.

Katulad din nito ang kinumpiska ng gobyerno noong Marso 5, 2018 at  Agosto 6, 2019 dahil sa paglabag sa Section 118 at 1113 (f) at (l) ng CMTA, Intellectual Pro­perty Rights (IPR) Law, National Tobacco Adminis­tration (NTA) Circular No. 3-2014, BOC Memorandum Circular No. 15-2015 at 20-2006 at BIR Revenue Regulation No. 1-97.

Ang nasabing aktibidad ay nagpapakita ng mensahe na ang gobyerno ay mahigpit sa pagpapatupad ng paglaban sa illegal smuggling sa bansa.

Layunin din nito na mapalaki ang kanilang koleksyon sa pamamagitan ng buwis sa mga kargamento na pumapasok sa lahat ng ports sa buong bansa.

Ang pagwasak ay pinangunahan ni Port of Clark District Collector Ruby Alameda, kinatawan mula sa Ports Operations Service, National Tobacco Corporation, Commission on Audit, Japan Tobacco Inc. at Philip Morris Fortune Tobacco Corp. (PMFTC) na naging saksi sa pagsira. (BOY ANACTA)

76

Related posts

Leave a Comment