‘NO CONTACT POLICY’ IKAKASA NA NG MICP

Manila International Container Port

(Ni Jo Calim)

Ikakasa na rin ng Manila International Container Port (MICP) ang ‘No Contact Policy’ upang higit na mapabilis ang paggulong ng proseso sa ahensiya.

Sa public briefing kama­kailan, naging sentro ng MICP ang kaugnay  sa ‘No Contact Policy’  na pinangunahan ng Management Information System and Technology Group (MISTG).

Pangunahing layunin nitong maiwasan ang ‘face-to-face’ transactions sa Aduana.

Dahil dito, ang online Customs Care Portal System na ang gagamiting channel para sa pagsumite at pag-follow-up ng mga transaction.

Sa briefing, nagbigay ng presentasyon  ang MISTG  kung paano gamitin ang Customer Care Portal pagdating sa pagsumite ng    concerns, requests, at complaints.

Ayon kay  District Collector Guillermo Pedro A. Francia IV,  nakahanda  ang ahensiya sa mga pagbabago upang makaaangat ito pagdating sa information technology.

Dumalo sa  briefing ang lahat ng brokers, importers at stakeholders na may transaksyon sa MICP.

Isinagawa ito sa BOC-MICP Operations Lobby, sa 3rd floor ng Operations Building North Harbor, Tondo, Manila.

89

Related posts

Leave a Comment