P.7-M LIQUID MARIJUANA NAKUMPISKA NG BOC

LIQUID MARIJUANA-3

Muling naka-iskor versus ilegal na droga

(Joel amongo)

MULING naka-iskor ang Bureau of Customs-Port of NAIA nang makumpiska ang  halos P700,000 halaga ng liquid marijuana na idinaan sa air cargo parcel na nalagay sa iba’t ibang warehouses sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay noong Lunes.

Umabot sa 11 packages ang na may 330 cartridges ang nadiskubre ng customs personnel sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF)..

Nasa pangangalaga na ng PDEA ang cartridges ng liquid marijuana para sa kaukulang imbestigasyon kaugnay sa importer at consignee ng kontrabando.

Ayon sa BOC, ang importasyon ng ‘Hemspeed’ at ‘Cannibidoil’ ay ilegal kaya kinumpiska ang packages na isang paglabag sa probisyon ng RA 9165 o ‘The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002’ at RA 10853 o ‘The Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Noong Enero 5, 2020, nasabat ng BOC-NAIA ang P200,000 halaga ng kush weeds at liquid marijuana sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.

Nakadeklarang isang pares ng sapatos at tsokolate ang laman ng parcel subalit nang isailalim sa eksaminasyon ay natuklasang apat na pakete ng hinihinalang kush weeds at 10 cartridge ng liquid marijuana.

Nabatid na ang parcel na ilegal na droga ang nakalagay ay naka-consigned sa isang indibidwal na mula sa Sampaloc, Manila.

Siniyasat ng BOC ang parcel matapos may maamoy na kakaiba sa nasabing padala. Iyon ang kauna-unahang huli sa taong 2020.

Related posts

Leave a Comment