P1.8-M KUSH TINANGKANG ILUSOT, CLAIMANT SWAK SA CAIDTF

KUSH-1

ARESTADO ng pinagsanib na pu­wersa ng Customs Anti-IlIegal Drugs Task Force (CAIDTF) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang claimant ng hindi bababa sa P1.8 milyong high grade marijuana o Kush na tinangkang palusutin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Base sa report ng Customs NAIA, ang kontrabando ay nakapangalan sa isang Joseph Marck Tamo na nakatira sa Taguig City.

Nang isailalim sa inspeksyon, tumambad sa mga Customs agent ang tatlong (3) piraso ng vacuum-sealed pouches na naglalaman ng mga pinaniniwalaang Kush weed na may bigat na 973 gramo at tinatayang may market value na P1,800.000.

Naunang idineklarang Marvel Comics at sleeping bags ang mga kargamento na kinuha ng suspek na si Joseph Marck Tamo na inaresto sa pakikipagtulungan ng PDEA. Si Tamo ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002  na may kaugnayan sa RA 10863 o Customs Modernization and Ta­riff Act.

80

Related posts

Leave a Comment