P20-M SMUGGLED CIGARETTES NASABAT NG BOC-ZAMBOANGA

smuggled cigarette

AAbot sa P20 milyon halaga ng smuggled cigarettes  ang nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Marines (PM) at  Philippine Coast Guard (PCG)  sa Danny Udin Salasain Wharf Compound, Arena Blanco, Zamboanga City noong nakaraang Mayo 25 ng taong kasaluku­ttttyan.

Ang nasabing operasyon ay pinangunahan ng BOC-CIIS Zamboanga sa tulong ni Intelligence Group (IG) Deputy Commissioner Raniel T. Ramiro na naging dahilan ng pagkakasabat ng nasabing puslit na mga sigarilyo.

Ang insidente ay inireport sa Zamboanga City inter-agency smuggling group na kung saan itinuro ni City Mayor Beng Climaco at  personal siyang sumama sa nasabing team para hulihin at kumpiskahin ang mga kargamento.

Kasalukuyang  nasa pangangalaga na ng BOC Zamboanga ang nasabat na kontrabando para  sa kaukulang imbentaryo, pag-isyu ng Warrant of Seizure at pagsira sa harap ng National Tobacco Administration (NTA).

Ang pagsira nito  ay dulot ng paglabag sa Executive Order No. 245 “Amended Rules & Regulations Governing the Exportation and Importation of Tobacco and Tobacco Products” at Section 117 ng RA 10863, o mas kilala sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) of 2006.

76

Related posts

Leave a Comment