P3.5-M SMUGGLED MEAT PRODUCTS NASABAT NG BOC-POM

SMUGGLED MEAT

Aabot sa mahigit  P3.5 milyon  halaga ng misdeclared pork at iba pang meat products ang nasabat ng Bureau of Customs-Port of Manila (BOC-POM) mula sa dalawang containers sa Port of Manila, Gate 3, Port Area, Manila noong nakaraang Oktubre 30, 2019.

Ang nasabat na kontrabando ay dumating sa South Harbor noong Oktubre 8, 2019 mula China, ay naka-consign sa JRA & Pearl Enterprises at prinoseso ng Customs broker na si Arlene De Mateo Gonzales.

Base sa inisyal report, idineklara ng consignee ang  shipment bilang food enhancers (seasoning) at tomato paste na may kabuuang deklaradong duties at taxes na P337,264.00.

Sa isinagawang physical examination ng Customs examiner ay natuklasang may tinatayang halagang P3.5 milyon misdeclared pork at iba pang meat products.

Bilang resulta, isang Warrant of Seizure and Detention (WSD) ang inisyu laban sa nasabing shipment para sa paglabag sa Section 1400 na “Misdeclaration, Misclassification and Undervaluation in Goods Declaration”.

Ito ay may kaugnayan sa Section 1113 “Property Subject to Seizure and Forfeiture”, at Section 117 “Regulated Importation and Exportation” ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Inaasahan na lalo pang dadagsa ang mga kargamentong  may kinalaman sa pagkain  dahil sa nalalapit na holiday seasons kaya tutok ang ahensya sa pagbabantay.   (Jo Calim)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment