P32-M MGA MAKINA SA PAGGAWA NG SIGARILYO, IBA PANG PARAPHERNALIA SINIRA NG BOC-POM

JOEL O. AMONGO

 

Bilang bahagi ng pangako ng Bureau of Customs’ (BOC) na pigilan ang smuggling at pagkalat ng illegal cigarettes, sinira ng Port of Manila (POM) ang kanilang nakumpiskang mga ­sigarilyo at cigarette label making machines.

Bukod sa mga makina na gamit umano sa paggawa ng mga pekeng sigarilyo ay sinira rin ang iba pang materyales na gamit sa paggawa ng pekeng selyo at labels ng nabanggit na produkto.
Ang aktibidad ay isinagawa sa isang pasilidad sa Carmona, Cavite at sinaksihan ito ng mga personnel mula sa Port’s Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service (ESS), Auction and Cargo Disposal Division (ACDD) maging ang mga kinatawan mula sa concerned port offices.

Kabilang sa items na sinira ay tinatayang may halagang Php 32 Million at nakumpleto ang pagsira dito sa pamamagitan ng physical destruction na pinadaan sa pagdurog na ginamitan ng machines para maging scrap metal.

Sa pahayag ni POM District Collector Michael Angelo DC Vargas sinabi niyang ang pagsira ay parte ng patuloy na pagsisikap ng Port na sugpuin ang pagpasok at pagbebenta ng smuggled at fake cigarettes sa bansa.

Idinagdag pa ni Vargas na nasunod ang layunin ng Port na mapaluwag din ang espasyo sa POM facilities para sa lalo pang pagpapabuti ng kalakalan.
Ang Port of Manila ay nangakong susuporta sa Anti-smuggling campaign ng Bureau of Customs sa ilalim ng pamumuno at gabay ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero.

41

Related posts

Leave a Comment