P38-M ‘yosi’ naharang BOC-MICP WAGI ULI VS SMUGGLING

MULING pinatunayan ng Manila International Container Port (MICP) na panalo ito laban sa ismagling.

Ayon sa Bureau of Customs (BOC), nakumpiska ng operatiba ng MICP nitong Hunyo 11 ang napakara­ming sigarilyo, o “yosi”, na P38 milyon ang halaga.

Ang naturang mga sigarilyo ay tinangkang ipuslit sa MICP, ngunit hindi nakalusot.

Idiniin ng BOC – MICP na ang nasabing panibagong accomplishment ay bahagi ng pinatinding paniniktik at anti – smuggling operations ng ahensya.

Makaraang makakuha ng positibong impormasyon ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng MICP, nag-isyu si MICP District Collector Romeo Allan Rosales ng “Pre – Lodgement Control Order” laban sa mga kuwestriyonableng produkto.

Inihayag ng BOC na GREEN NATURE ALLIANCE Ventures ang consignee ng mga sigarilyong isinailalim sa “100% physical examination” ng Formal Entry Division (FED) na sinaksihan ng mga tauhan ng Enforcement and Security Service (ESS) at CIIS.

Lumabas sa pagsisiyasat na P38.1 milyon ang kabuuang halaga ng 1,090 master cases na mga sigarilyo na may mga tatak na “Marvel”, “Mighty” at “Astro”.

Kaya, nagpalabas ng “Warrant of Seizure and Detention” (WSD) ang MICP laban sa mga sigaril­yo upang hindi ito mailabas ng GREEN NATURE ALLIANCE Venture mula sa kustodiya ng ahensiya.

Nakabatay ang WSD sa pinaniniwalaang paglabag sa Seksiyon 1400 ng Republic Act 10863, o ng Customs Modernization and Tarrif Act (CMTA), na nakaugnay sa Seksiyon 1113 ng parehong batas, sa National Tobacco Authority (NTA) Law at mga regulasyon nito.

Tiniyak ng liderato ng MICP na patuloy itong “committed to BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero’s thrust to curb smuggling”.

“By the strengthened intelligence and enforcement efforts, the Port shall remain at the forefront of border security in the country”, patuloy ng MICP.

35

Related posts

Leave a Comment