P391-M ang target POSF, LAGPAS NG P36.4-M ANG KOLEKSYON SA MAYO

LUMAGPAS sa P391,020,000 ang nakolek­ta ng Port of San Fernando (POSF) sa La Union para sa Mayo ng taong kasalukuyan.

Ayon sa POSF, ang actual collection nito para sa Mayo ay pumalo sa P427, 437, 710.30.

Kaya, nalampasan ng POSF ng 9 porsiyento, o eksaktong P36,417,710.30 ang itinakdang target para sa Mayo.

Dahil sa napakagadang accomplishment, binati ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang pamunuan ng POSF dahil hindi lang naabot ang tudlang koleksiyon, kundi nalagpasan pa.

Malaking ambag ang nagawa ng POSF sa pagkakalagpas din ng BOC sa target collection nito para sa Mayo.

Nakapagtala ang BOC ng lagpas ng 6.6 porsiyento, o P3.058 bilyon ang target collection para sa Mayo base sa preliminary report ng Customs Financial Service.

Ang POSF ay isa sa labingdalawa sa labingpitong ports sa bansa na nakalagpas ang koleksyon mula sa kani-kanilang target para sa Mayo.

Ang iba pang magandang koleksiyon ay ang Port of Manila (POM), MICP, Port of Batangas, Port of Le­gaspi, Port of Iloilo, Port of Tacloban, Port of Surigao, Port of Cagayan de Oro, Port of Davao, Port of Subic, at Port of Clark.
(Joel O. Amongo)

45

Related posts

Leave a Comment