P45-M PEKENG LARUAN, KALAKAL NASABAT NG BOC-MICP SA BULACAN

0

Nasabat ng Bureau of Customs sa pamamagitan ng Manila International ­Container Port o MICP, Customs Intelligence and Investigation Service o CIIS at Enforcement and Security Service o ESS sa tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pekeng mga laruan at iba pang mga kalakal sa Guiginto, Bulacan.

Ang operasyong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng BOC para matuldukan ang pagkalat ng mga pekeng kalakal.

Ang pagkakasabat ay sa pamamagitan ng implementasyon ng isang Letter of Authority (LOA) na nilagdaan ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero.

Nauna rito, ang ­inspeksyon na isinagawa ay nagresulta sa pagkakadiskubre ng mga counterfeit toys pati na rin mga helmets, steel, resins at machineries.

Ang mga kalakal ay tinatayang nagkakahalaga ng Php 45 Million.

Karagdagang imbestigasyon ang isinasagawa para sa posibleng pagsasampa ng mga kaso na paglabag sa Section 1400 ng RA 10863 o mas kilala bilang Customs Modernization and Tarrif Act (CMTA) pati na rin sa Intellectual Property Laws.

Dahil ang BOC ay isa sa mga ahensiyang nagpo-promote ng maayos na kalakalan para sa masaganang ekonomiya, ang MICP ay nananatili sa kanilang pangako para sa kaligtasan ng hangganan ng bansa sa pamamagitan ng kanilang anti-smuggling campaign sa ilalim ng patnubay ni Commissioner Guerrero ng BOC. (Joel O. Amongo)

Related posts

Leave a Comment