P5-B KOLEKSIYON SA 2019

Sub Port of Dumaguete

Hamon nalampasan ng BOC Subport of Dumaguete

MAHIGIT P5 bilyon ang nakolekta sa duties and taxes ng Bureau of Customs (BOC) Sub-port of Dumaguete sa taong 2019.

Ayon kay Dumaguete Customs Collector Fe Lluelyn G. Toring,  ang kanilang actual collection ay P5.061 bilyon na maitutu­ring na 15.78% mas mataas sa adjusted target collection na P4.371 bilyon.

“At the start of the year, the Customs Office in Dumaguete was assigned a challenging P3.8 billion target collection. However, by the second semester of Calendar Year 2019, it was adjusted to P4.371 billion-plus,” pahayag ni Toring.

Sinabi pa niya, isang malaking hamon para sa kanila na nalagpasan nila ang kanilang target collection para sa loob ng isang taon na umabot ng mahigit sa P571 million.

Ang Sub-port of Du­maguete ay naging masaya sa report na ang katapusan ng 2019 ay nakapagtala sila ng lagpas ng  mahigit P689.867 million revenues.

Ayon pa kay Toring, naging magandang ang kanilang koleksyon dahil sa pagtaas ng  volume of importation ng produktong petrolyo ng kanilang number one contributor na Filoil Energy Co., Inc.

Ang iba pang  top importers kasama ng  Wilmar Edible Oils, Phils., Inc.; Dumaguete Coconut Mills, Inc.; Pryce Gases, Inc.; Primary Trident Marine Solutions, Inc.; Industry Movers Corp.; Concrete Solutions, Inc.; Premium Megastructures, Inc.; Union Galvasteel Corp.; Philcement Corp.; Jomalia Shipping Corp. at Aljon Cargo Shipping Inc.

Nagmula ang collections sa mga bayad ng customs duties, excise at value added tax mula sa ibat-ibang  imports maging sa unleaded diesel at fuel oil, palm olein, liquefied petroleum gas, at semento, maging ang  conversion ng  vessels mula foreign hanggang sa domestic trade.

Kaugnay nito, nagpapasalamat si Toring sa hard-working staff ng BOC-Dumaguete na naging dahilan para malagpasan nila ang kanilang target sa buong taon ng 2019.  (Jo Calim)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment