Aabot sa P53 milyon halaga ng misdeclared agricultural products ang nasabat ng Port of Manila (POM) kamakailan.
Ang nasabing mga produkto na nakalagay sa labing-anim na container ay misdeclared agricultural products na dumating sa POM noong nakaraang Agosto 8, 2019 na nagmula umano sa bansang China at naka-consign sa Shinerise Trading Services.
Ang inisyung kaukulang alert order ay dahilan upang isailalim ito sa pagsusuri ng POM examiners at dito napatunayang may pagkakaiba ang deklarasyon ng duties at taxes ng nabanggit na mga kargamento.
Naunang idineklara ang shipments bilang fishball, subalit sa isinagawang eksaminasyon ng POM, ay nalamang agricultural products na kinabibilangan ng carrots, patatas, sibuyas at broccoli ang nakita.
Pinangunahan ang pag- inspeksyon ni POM District Collector Arsenia Ilagan kasama si Deputy Commissioner Donato San Juan, Gen. Bienvenido Datuin, Jr. ng Public Information and Assistance Division (PIAD), POM examiners at Customs Inteligence and Investigaiton Services (CIIS) .
Ang pagdagsa ng mga nabanggit na produkto ay pinaniniwalaang may kaugnayan na umano sa pagpasok ng ‘ber months’ na kung saan maraming handaan ang magaganap dahil sa Christmas season. (Joel O. Amongo)
83