P719-M NAKOLEKTA SA DUTIES AND TAXES DAHIL SA FUEL MARKINGS

FUEL MARKINGS-3

AABOT ng mahigit sa P719 milyon ang kabuuang nakolekta sa initial marking ng Unioil na nagsimula noong Oktubre 22.

Sa kasalukuyan, ang nasabing halaga ay katumbas ng 94.9 mil­yong litro ng langis na namarkahan na.

Nitong nakaraang Nobyembre 3, ang Oilink International Corporation ay nagsagawa ng kanilang fuel marking activity na nakapagtala ng 11.6 milyong litro ng Mogas Base Fuel na nakasakay sa MT Sichem na minarkahan sa import terminal ng Unioil sa Bataan.

Huling Linggo ng Oktubre 30, nasa 8.2 mil­yong litro ng Mogas Ron 92 Gasoline ng Insular Oil Corporation na nakasakay sa MT Grand Ace 11 mula sa Guangdong, China ang minarkahan sa Fuel Terminal Facility ng Pure Petroleum Corporation Subic.

Bago pa man dumating ang Pebrero 3, 2020 ay nagsagawa na ng nationwide fuel testing and program. Dito ipinatupad sa retail side ang Bureau of Customs (BOC), Bureau of Internal Revenue (BIR), Department of Finance (DOF) habang ang SICPA-SGS ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga kompanya ng langis para mapabilis ang pagmamarka sa mga produktong petrolyo.

Samantala, ang mga natitirang kompanya na hindi pa namamarkahan ang kanilang mga produktong langis ay kailangan makipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno na nagpapatupad ng programa para sa nasabing pangangailangan.

“We encourage oil companies with unmarked fuel to comply in the next three months. We (the government) will strictly enforce and impose penalties as mandated by the law,” ani Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero.

Ang gobyerno ay mahigpit sa kanilang pagpapatupad ng mga kaukulang multa laban sa mga nag-iimbak, nagbibiyahe ng langis at nagtatago nito na wala pang marka.

Ang fuel marking program ay naaayon sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law at para maiwasan ang oil smuggling at misdeclaration ng mga produktong petrolyo.

Layunin din nitong mapataas ang koleksyon mula sa ‘taxable ­imported and locally refined petroleum pro­ducts’.

198

Related posts

Leave a Comment