PUBLIKO BINALAAN NG BOC VS FAKE AGENTS

CUSTOMS POLICE

(NI Boy Anacta)

Binalaan ng Bureau of Customs (BOC) ang publiko laban sa mga  nagpapanggap na tauhan ng BOC para makapanloko sa mga negosyanteng may transaksyon sa Aduana.

Ang babala ay  matapos na may mahuling nagpanggap na tauhan ng Customs na umano’y sangkot  sa  “tara” collection.

Matatandaan  na noong Mayo 20, nahuli si Xavier Daniele Gabriel, 19-anyos, residente ng Sampaloc, Maynila na tinawag na “hao shiao”.

Ayon sa report, ang nasabing tao ay nakasuot ng expired dilapidated BOC ID  na may bisa hanggang  Marso 2019.

Si Gabriel ay naaresto ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Intelligence Group (IG), matapos may makitang halaga ng pera, deposit slips at apat na passbooks sa loob ng envelope at lahat ay nakapangalan kay Rently Tinana, alyas “Empoy”, ng Port of  Manila.

Sinabi ng Intelligence Division, si Gabriel ay tumatayong tagahatid ni Mr. Tinana ng cash para sa bank deposits.

Ang pagkakahuli ng suspek ay bahagi ng inisyatibong reporma ng BOC laban sa pagsugpo ng korapsyon sa Customs katuwang  ang AFP at Philippine Coast Guard (PCG).

Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tumulong ang AFP at PCG para labanan ang talamak na katiwalian sa Aduana.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment