REGULATED IMPORT PRODUCTS LIST INILABAS NA NG BOC

BOC-12

Inilabas na ng Bureau of Customs (BOC) ang listahan ng regulated import products na tinagurian bilang ‘Regulated Importables’.

Kabilang sa mga ito ay ang live plants, live animals, used left hand drive automobiles, used left hand drive trucks and buses, cigars, cigarettes, e-cigarettes at e-liquid.

Dahil dito, kinakailangan umanong mayroong import permit/clearance ng Sanitary and Phytosanitary Import Clearance (SPSIC), Authority To Release Imported Goods (ATRIG), Certificate of Authority to Import (CAI) at Import Commodity Clearance (ICC) ang mga nabanggit na produkto bago makapasok sa bansa.

Ang mga regulating agency na kinabibilangan ng Bureau of Plant Industry, Bureau of Animal Industry (BAI), Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB), Bureau of Internal Revenue (BIR), at National Tobacco Administration (NTA) ang siyang namamahala rito.

Ang hindi umano kasama sa items ay maaaring makipag-ugnayan sa Philippine National Trade Repository (PNTR).

Ang BOC ay naghihigpit sa nasabing mga item upang maiwasan ang ilegal na pagpasok ng mga ito sa bansa.

Mahigpit din ang Customs sa pagpasok ng buhay na hayop sa bansa upang maiwasan ang sakit ng baboy na African Swine Fever (ASF). (Joel O. Amongo)

76

Related posts

Leave a Comment