SAMU’T SARING SMUGGLED ITEMS NASAMSAM

BOC-PORT OF CEBU

Kabilang ang porno paraphernalia,

undeclared meds at imported meat

Sa pinaigting na kampanya ng Bureau of Customs (BOC) kontra smuggling, iba’t ibang mga puslit o smuggling na kargamento ang nasabat ng ahensya mula sa iba’t ibang puwerto ng bansa.

Sa Port of Cebu, nasabat ang kontrabandong naglalaman ng mga pornographic paraphernalia  na nagmula sa bansang China kamakailan.

Ang nasabing shipment ay dumating umano sa Sub-Port of Mactan, Cebu mula sa China noong nakaraang Marso 16, 2019 na dala ng isang pasahero na nagngangalang Coleman Timothy Philip.

Ayon kay Customs Examiner Hevelyn Marzado  na sa kanilang isinagawang physical examination sa  nasabing bagahe ng pasahero ay  napansin nila ang kakaibang laman nito.

Sa eksaminasyon ay tumambad umano sa kanila ang isang box ng Viagra, labingwalong pirasong Lilo (vibrating spear), walong pirasong Mr. Real (vibrating dildos), anim na pirasong pretty love battery,  dalawampu’t dalawang pirasong silk body lubricants at apat na paketeng sex body stockings (12pcs/pack).

Ang pagkumpiska sa nasabing kontrabando ay sa bisa na rin ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) na inisyu noong Abril 15, 2019  laban  sa undeclared items  na ma¬linaw na paglabag sa Section 1113 Section (f) na may kaugna¬yan sa Section 118, Section 113 (i), at Section 1404 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Bukod dito, nasamsam  ng mga tauhan ng BOC-Cebu ang  mga  ‘undeclared medicines’ na duma¬ting sa Sub-Port of Mactan mula sa Hong Kong.

Dumating  umano ang kontrabando sa  Sub-Port of Mactan mula Hong Kong dala ng isang pasahero na nakilalang si Douglas Booker.

Ayon kay Customs Examiner Cirila Lumacad, sa kanilang isinagawang physical examination sa nabanggit na bagahe ay natuklasan  na naglalaman ito ng ‘undeclared various medicines’   kaya agad na  inisyu ang  Warrant of Seizure and Detention.

Samantala, isandaang kilo naman ng imported na karne ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) na dumating sa Terminal 1 mula sa Taipei nitong nakaraang Mayo 14, 2019.

Nauna nang naghigpit ang Customs-NAIA at Quarantine Services ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa mga pumapasok sa bansa na imported na karne matapos pumutok ang isyu sa African Swine Fever (ASF) outbreak.

Dahil dito, agad kinum¬piska ng BOC-NAIA at BAI ang nasabing mga karne ng baboy matapos na wala itong maipakitang import permit.

Ang ASF ay nakakaapekto lamang sa mga baboy at hindi sa tao na inaasahang makakahawa sa mga alagang baboy sa bansa.

Tinatayang aabot ng 40 milyong lokal na baboy sa Pilipinas ang maaapektuhan ng ASF na magiging dahilan ng pagkalugi ng P2 bilyon ng mga magbababoy sa bansa.

Simula Enero 2019, nakapagtala na ng 4,412 kilong meat products ang nasabat ng BOC-NAIA at nai-turnover na sa BAI para sa kaukulang disposisyon.

81

Related posts

Leave a Comment