SMUGGLING VS IMPORTER, CUSTOMS BROKER ISINAMPA SA DOJ

0

Nahaharap ngayon sa kasong smuggling ang isang importer at customs broker matapos sampahan  ng Bureau of Customs Bureau’s Action Team Against Smugglers (BOC-BATAS) sa Department of Justice (DOJ).

Ang kinasuhan ay ang SPI Semicon Asia Inc. dahil sa umano’y misdeclaration na isa sa mga aspeto ng smuggling.

Bukod sa SPI Semicon Asis Inc., kasama sa kinasuhan ay ang kanyang customs broker para sa misdeclaration at illegal importation ng tatlong 40-footer containers na naglalaman ng iba’t-ibang general merchandise na nagkakahalaga ng P7,208,666.14, kasama ng duties and taxes.

Ang respondents ay nakitaan ng BOC-BATAS na paglabag sa provisions ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Gayundin ang paglabag na rin sa Republic Act 9175 o mas kilala bilang Chain Saw Act of 2002 na may kaugna­yan sa DENR Administrative Order (DAO) 2003-24, at Article 172 na may kaugnayan sa Article 172 ng Revised Penal Code (RPC).

Ang paglabag ng importer, customs broker ay naganap noong Enero 16, 2021 sa Manila International Container Port (MICP).

Kaugnay nito, ang BOC ay nananatili sa kanilang pangako na protektahan ang interes ng publiko para pigilan ang lahat ng klaseng smuggling at pandaraya sa sa gob­yerno.
Dahil dito, sunod-sunod ang ginagawang pagsasampa ng mga kaso ng BOC-BATAS laban sa mga nasa likod ng smuggling sa bansa. (Joel O. Amongo)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment