TAPAT NA CUSTOMS EXAMINER PINARANGALAN

HONEST

Pinarangalan ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eddie Monreal ang isang frontliner na si Innah Angela Castillo, Customs examiner matapos na i-turnover nito ang napulot  na electronic gadget sa tamang awtoridad noong Hulyo 11, 2019 para maibalik sa tunay na may-ari.

Sa sulat ni Monreal kay Ms. Carmelita Talusan, District Collector ng Bureau of Customs NAIA, Old Mia Road, NAIA Cmpd., Pasay City na may petsang Agosto 28, 2019 pinuri nito ang ipinakitang pagiging tapat ni Castillo.

Si Castillo ay nakatalaga sa NAIA Terminal 2 .

Nabatid  na noong  Hulyo 11, 2019 isang Apple Ipad mini black strap with case ang natagpuan ni Castillo  sa CR ng mga babae sa northwing arrival Terminal 2 at agad  niyang itinurnover ito sa tamang awtoridad.

Ayon kay Monreal na ang simpleng ginawang katapatan ni Castillo ay pagpapakita  ng pagiging mabuting lingkod bayan nito.

Dahil dito, si Castillo ay pinagkalooban ng ‘token of appreciation’  ni Monreal dahil sa ginawa nito.

Umaasa si Monreal na ang kanyang ipinagkaloob na sertipikasyon kay Castillo ang laging magpapaalala sa kanya at ipagmamalaki ang kanyang ginawang kabutihan para sa paliparan at maging sa bansa.

Bukod dito, umaasa rin si Monreal na ang ginawa ni Castillo ay magsilbing magandang halimbawa para gayahin din ng iba pang empleyado ng nasabing paliparan. (Joel O. Amongo)

115

Related posts

Leave a Comment