Target ng Port of Limay E-PAYMENT SA TARIPA

SA hangaring tuluyan nang tuldukan ang agam-agam ng publiko sa kampanya ng Bureau of Customs (BOC) kontra katiwalian, target ng Port of Limay sa lalawigan ng Bataan ang pagpapatupad ng alternatibong sistema sa pagbabayad ng buwis at taripa sa mga pumapasok at lumalabas na kargamento.
Sa isang diskurso kasama ang mga kawani mula sa Management Information System and Technology Group (MISTG), iginiit ni Port of Limay district collector Atty. William Balayo ang bentahe ng “no contact policy” para sa kanilang Puerto.
Aniya, marapat din tupdin ang 10-Point Priority Program ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero kaugnay ng modernisasyon, pagpapataas ng koleksyon at walang sinasantong polisiyang kontra korapsyon.
Sa nasabing pulong, tina­lakay rin ang mga bentahe sa seguridad ng Pre-payment Account at ang paggamit ng “electronic-to-mobile” (E2M) na itinakda sa ilalim ng Customs Memorandum Order 18-2021, na nagbibigay ng alternatibong paraan sa pagbabayad ng karampatang taripa, buwis at iba pang serbisyo ng kawanihan.
Pagtitiyak naman ni Balayo, patuloy nilang paiigtingin ang mga programa kontra smuggling, piracy at katiwalian sa hanay ng mga kawaning nasa kanilang tanggapan.
Batay sa datos ng Depart­ment of Finance (DOF), walang buwang hindi nalagpasan ng Port of Limay ang kanilang target collection sa ilalim ng panunungkulan ni Balayo.
56

Related posts

Leave a Comment