TUKO, GAGAMBA NASILAT SA NAIA

0

MAS pinahigpit na inspeksyong pinaiiral ng Bureau of Customs (BOC) ang naging susi sa pagkakasabat ng mga tuko at gagamba na kapwa tinangkang ipuslit sa bansa sa dalawang magkahiwalay na pagkakataon.

Unang nahagip ng mga tauhan ng BOC sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang pambihirang uri ng tukong kilala bilang Leopard Gecko na inangkat pa mula sa bansang Thailand.
Sa pagrerebisa ng mga dokumentong kalakip ng na­sabing bagaheng dumating sa Paircargo warehouse, lumabas na wala itong import permit mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaya

naman agad itong kinumpiska ng BOC-NAIA.

Sinundan pa ito ng pag­lapag naman ng 826 piraso ng iba’t ibang klase ng gagambang ikinubli naman sa maliliit na botelyang ikinubli sa loob ng maliliit na figurines.

Ayon sa BOC-NAIA, nakatakda sanang dalhin ang nasabing bagaheng idineklarang mga figurines mula pa sa bansang Poland sa mga lungsod ng Pasay, Parañaque at lalawigan ng Batangas nang madiskubre ito habang iniinspeksyon ng mga kawani ng BOC.

Agad namang inilipat ang mga nasabat na endangered and controlled species sa DENR-Wildlife Traffic Monitoring Unit (DENR-WTMU), batay sa Customs Administrative Order 10-2020.
Nahaharap din sa kasong paglabag ng Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) at Republic Act 9147 (Conservation and Protection of Wildlife  Resources) ang mga importer at consignees ng mga nasabing bagahe.

Paalala ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa iba pang nagtatangkang magpuslit ng mga endangered at controlled specie, makipag-ugnayan sa DENR-Biodiversity Management Bureau para sa tamang proseso nang sa gayon ay hindi mabulilyaso.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment