UKAY-UKAY PA MORE!

0

NASABAT kamakailan ng Bureau of Customs and Border Protection Team na nakabase sa Legazpi City sa Bicolandia ang 21 bulto ng mga pinaglumaang ka­suotang higit na kilala bilang ukay-ukay.

Bitbit ang isang mission order na nilagdaan ni District Collector Arsenia Ilagan, agad na tinungo ng mga operatiba mula sa nasabing tanggapan, kasama ang mga kinatawan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Matnog Port kung saan nasabat ang isang bus kung saan lulan ang mga nasabing iligal na kargamento.

Matapos makumpiska ang mga sinasabing ukay-ukay na nakatakda na sanang dalhin sa mga direktang nagbebenta nito sa merkado, agad na nagpalabas ang BOC – Port of Legazpi ng isang Warrant of Seizure and Detention, habang inihahanda ang kaukulang kasong paglabag sa Customs Modernization Tariff Act (CMTA) laban sa may-ari ng mga nasabing kalakal.

Dagdag asunto rin sa may-ari ng mga ukay-ukay ang paglabag nito sa Republic Act 4653 (National Policy to Prohibit the Commercial Importation of Textile Articles Commonly Known as Used Clothing and Rags).

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment