ZERO-TAX PARA SA BALIKBAYAN BOXES

0

HANDANG-handa na ang Bureau of Customs (BOC) sa inaasahang pagdagsa ng mga balikbayan boxes na padala ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa kanilang mga pamilya kaugnay ng papalapit na Kapaskuhan. Maging ang magandang ba­lita para sa OFWs, handa na rin ayon sa BOC.

Kasabay nito, nagpalabas din ng paalala ang BOC sa mga OFWs kaugnay ng mga Balik­bayan Boxes na karaniwan nilang ipinapadala sa mga kani-kanilang mahal sa buhay.
Para iwas abala at masiguro ang isang masayang pasko, hiling ng kawanihan sa mga nagnanais magpadala na alamin muna ang pinaiiral na patakarang may kinalaman sa Balikbayan Boxes — partikular na sa talaan ng mga pwede at

hindi maaaring isama sa kanilang dambuhalang kahon ng mga regalong biyaheng Pilipinas.

Giit ng BOC, dapat din anilang mabatid ng mga nabi­bilang sa sektor na tinaguriang gulugod ng ekonomiya ang tungkol sa mga diskwentong iginagawad ng kanilang tanggapan, bukod pa sa zero-taxes sa mga Balikbayan Boxes.

Ayon sa BOC, “exempted” na pagbabayad ng buwis ay hanggang sa tatlong beses kada taon ang mga Balikbayan Box. Gayunpaman, may itinakdang limit ang nasabing ahensya, hindi dapat lumagpas sa P150,000 halaga.

Bukod sa limitadong halaga, tanging personal na bagay lamang ang pwedeng isama  sa Balikbayan Boxes – at hindi kabilang dito ang mga gamit pang negosyo.

Paalala rin ng ahensya sa mga OFWs, tanging mga lisensyadong kumpanyang ka­agapay ng BOC ipagkatiwala ang kanilang mga padala para maiwasang maging biktima.
(JO CALIM)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment