GAANO KAHALAGA ANG ALMUSAL?

0

Ni Ann Esternon

Palagi nating naririnig na sa lahat ng meals, ang pagkain ng almusal ay ang pinakamahalaga.

Sa magdamag na nag-fasting tayo, magandang simulan ang araw na positibo at makatutulong dito ang mag-almusal. Tandaan natin na matapos ang magdamag ay mababa ang sugar natin sa katawan kaya hirap din ang muscles at utak na gumana ayon sa tamang galaw nito.

Mas mainam kung ang kakainin ay puno ng sustansya at may tamang dami.

Sa agahan, nasisimulan nito na mapagana ang ating metabolism para makatulong na matunaw ang calories na ilalagay natin sa ating katawan sa buong araw.

Ang bentahe rin ng almusal ay nagbibigay ito ng mataas na enerhiya upang makapagpokus at maging positibo sa mga gawaing sa buong araw.

Malaking tulong din ang almusal upang maiiwas tayo nito sa bad cholesterol, diabetes, at sa anumang uri ng sakit sa puso.

Kapag wala tayong almusal, malaki ang chance na maparami ang kakainin natin sa tanghalian hanggang matapos ang araw kaya’t ang tendency ay kumakain tayo nang hindi tama – na kahit ano ay kakainin. Nariyan na mapapakain nang marami at madalas ay walang sustansya, panay maaalat, matataba at matatamis.

Mapapansin din na mas maganda ang katawan ng mga taong nag-aalmusal lalo na kung sisimulan ang araw sa pagkain ng cereals, dairies o yogurt, at vegetable salads o sariwang mga prutas.

Ugaliin ding pakainin ang mga bata ng almusal para sa proper development ng kanilang mga katawan at isipan.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment