‘KANTO KULTURA’ SERIES INILUNSAD NG CCP

0

Inilunsad kamakailan ng Cultural Center of the Philippines ang isang serye ng proyekto na tinawag na Kanto Kultura, isang celebration ng culture and the arts tampok ang Filipino artists. Ang proyektong ito ay isang brainchild ng CCP Board of Trustees na sina Nikki Junia, Stanley Seludo at Dr. Jaime Laya at ng suporta ni CCP President Arsenio J. Lizaso.

Layon ng Kanto Kultura na hikayatin ang talent ng mga Pilipino upang makalikha ng artistic content na nagpapakita ng pagtuklas at pagkamalikhain. Layon din nito na magbigay ng oportunidad para sa iba’t ibang porma ng artistic expression gaya ng musika, broadcast and film, literatura, teatro, sayaw at visual arts.

Noong Pebrero 23, ang music video na may pamagat na ‘Bangon!’ ng OPM R&B group na BRWN ay nai-release. Ang ‘Bangon!’ ay isang battle cry, isang panawagan sa bawat Pilipino upang bumangon sa gitna ng mga pagsubok ngayong taon. Ang high-powered lyrics ng music video na may orchestral arrangement ay nag-blend nang maayos at maganda sa electronic flair ng BRWN at nagbibigay ito ng makatindig-balahibong experience na may kasamang Philippine ethnic instruments at himig ng Cordillera, kaya naman ito ay may atmosphere na tukoy ang pagkamakabayan. Ang pag-release sa music video na ‘Bangon!’ ay unang release ng BRWN na may Tagalog lyrics, first attempt ito ng kanilang guitarist na si Migs Raneses sa pagsasaayos ng kanta at kauna-unahan collaboration sa Cultural Center of the Philippines at ng Philippine Philharmonic Orchestra.

Ang Kanto Kultura series ay nagsisimula sa online music competition na Kanto Canta, na nagpapakita ng orihinal na Filipino musical works: bagong mga kanta, bagong musika na may halong traditional musical instruments upang makabuo ng “new Pinoy sound.” Umaasa ang Kanto Canta na makadiskubre ng ‘Pinoy’ sound na maaaring makapagbigay identity sa competitive global market online. Nagsisilbi itong isang stepping stone na makatulad sa K-pop phenomena. Sa pagkansela ng live performances sa panahon ng pandemya, nais ng proyektong ito na makapagbigay ng oportunidad sa amateur talents, unsigned artists, at iba pa. Layon ng okasyong ito na makadiskubre ng competitive arts content sa mataas na uri ng competitive digital space.

Ang online band competition ay bukas para sa natural-born Filipinos na kasalukuyang nakatira sa Pilipinas, edad 18 pataas, at walang existing professional at commercial entertainment contracts.

Ang submission period para sa first quarter ng Kanto Canta ay mula Pebrero 20 hanggang March 20, 2021. Mula sa lahat ng entries, ang pre-qualifiers ay pipiliin at ipo-post sa Kanto Kultura official social media pages. Ang top 15 finalists ay pipiliin at pararangalan na may premyong Php150,000. Ang pag-anunsyo sa Quarter-Finalists ay sa Abril 3, 2021.

Para sa iba pang detalye, i-like at i-follow sila sa Facebook, facebook.com/kantokultura o sa iba social media pages, @kantokultura. Maaari ring tumawag sa CCP Marketing Department sa (02) 8832-1125 local 1409/1800 o mag-email (ccpkantokultura@gmail.com).

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment