LIBRE ITO! APLIKASYON PARA SA CINEMALAYA FILM SCRIPTWRITING WORKSHOPS

0

Tinatanggap ngayon ang mga aplikasyon para sa Scriptwriting Workshop for Film ng Cinemalaya na pangungunahan ng award-winning screenwriter Ricky Lee.

Sa ilalim ng Cinemalaya Institute Training Programs, magsasagawa si Ricky Lee ng dalawang online scriptwriting workshops: The 3-hour Cinemalaya Scriptwriting Masterclass sa Abril 2021 at ng Cinemalaya Intensive Scriptwriting Workshop mula Mayo hanggang Hunyo 2021. Ang mga workshop na ito ay walang bayad.

Ang Cinemalaya Scriptwriting Masterclass, na sesentro sa mga pundasyon ng storytelling para sa pelikula, ay isang 3-oras na sesyon na gaganapin sa Abril 14, 2021 sa ganap na alas-2:00 ng hapon hanggang ala-5:00 ng hapon (GMT Philippine Standard Time). Ito ay bukas sa lahat ng mga Pilipino na nasa bansa at ibayong dagat.

Ang Cinemalaya Intensive Scriptwriting Workshop, na isang step-by-step workshop sa paglikha ng nakahihimok na scripts hatid ng natatanging tinig ay nakapaloob sa walong linggong sesyon mula Mayo 26 hanggang Hulyo 14, 2021 (Miyerkules mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon. GMT Philippine Standard Time).

Ang workshop ay limitado lamang sa 30 partisipante/scholars na dumaan sa isang proseso ng pagpili. Bilang isang requirement, dapat magsumite ang mga aplikante ng 1-2 pahina ng storyline at hangarin ng isang manunulat para sa materyal.

Ang Cinemalaya Scriptwriting Workshops for Film ay bahagi ng new vision in the new normal ng Cinemalaya habang binabago nito ang direksyon at diskarte habang nananatiling makabuluhan at patuloy na natutupad ang misyon nitong tuklasin, hikayatin, suportahan, sanayin at kilalanin ang mga likas na may husay na pelikulang independiyenteng Pilipino.

Ang aplikasyon sa Cinemalaya Scriptwriting Masterclass ay maaaring makuha sa https://forms.gle/P5UPXvh8JuohQa2h7

Ang aplikasyon para sa Cinemalaya Intensive Scriptwriting Workshop ay matatagpuan sa https://forms.gle/vkLTJ2EampVxXo9i8

Ang mga aplikante ay maaaring mag-apply sa dalawang ito.

Para sa iba pang detalye at updates, magsadya sa CCP website (www.culturalcenter.gov.ph) o sundan ang CCP at Cinemalaya official Facebook pages.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment