9 SIMBAHAN SA BANSA NAKIISA SA VIRTUAL SIMBANG GABI 2020 NG CCP

0
Nang matanggap ang paanyaya mula sa Cultural Center of the Philippines na makiisa sa proyektong virtual Simbang Gabi, nag-alangan si Father James Narisma, Cssr, ang rector ng Our Mother of Perpetual Help (Redemptorist) Church sa Iligan City.
“I asked myself and my other companions here in our religious community, why us? There are more beautiful churches and good livestreaming facilities in Mindanao,” pagbabahagi ni Fr. Narisma, na kalaunan ay nagbago ang desisyon sa paniwalang ito ang paraan para masaksihan ng mga tao ang papapala at mabuting balita ng Diyos.
Sa taong ito na mayroong pandemya, napagdesisyunan ng CCP na gawing online ang tradisyon ng Simbang Gabi para maging ligtas ang lahat.  Dahil ito ang sitwasyon, matiyagang kinuha ng CCP ang pagkakataong makasama ang mga simbahan sa bansa upang ihatid ang naturang tradisyon sa mga Filipino na nasa kanilang mga tahanan, gayundin sa ibang bansa.
Kahit hindi niya inaasahan ang ganitong partnership sa panahon ng pandemya at sa patuloy na pagsasaayos ng kanilang centuries-old church na nasira ng lindol noong 2013, hindi tumanggi si Fr. Al John A. Miñoza, ang paring naglilingkod sa St. Peter the Apostle Parish sa Loboc, Bohol, dahil umaasa siyang ito ay magbabahagi ng isang sulyap sa daang-taong ng kultura, musika at relihiyosong pamana ng Bohol, partikular ng Loboc, na maaaring makita ang kanilang pagdiriwang ng Misa de Gallo.
“At the same time, we also feel grateful because this is a form of recognition by the CCP on the importance of Boholano culture and traditions in the Filipino cultural heritage and patrimony,” ani Fr. Miñoza.
Nang matanggap din ang imbitasyon para sa CCP Simbang Gabi, masayang ibinahagi ito sa kanyang parishioners ni Rev. Fr. Julius B. Clavero, SSJV, ang parish priest ng St. Francis Xavier Parish sa Iloilo City. “Our parishioners are very happy upon knowing it. I think any parish will accept such great honor.”
Samantala, para kay Rev. Fr. Deogracias Kerr S. Galang, ang parish priest ng Holy Cross Parish (Margot), ang CCP ay matagal nang bahagi ng kanilang komunidad.
“CCP is part of our lives. Best musical plays, theaters, the best of art and creative humanity I personally experienced at CCP.As president of a community theater group, we were also given the chance to express our share of original Kapampangan music, dance and plays through ArtiSta Rita at CCP.  During the visit of Pope Francis, we were given the chance to show our ‘I Love Pope Francis, the Musical.’ These were highlights in our life as a theater group. As a priest there was a time I was also invited to celebrate one Simbang Gabi for the CCP community,” ayon kay Galang.
Nasurpresa naman ngunit nagpapasalamat si Rev. Fr. Voltaire Dimol, ang parish administrator ng Our Lady of Montserrat Parish in Davao City, dahilan para mapaoo siya sa paanyaya ng CCP.
“The CCP program of livestreaming this traditional celebration of the Misa de Gallo can certainly boost the hope of the Catholic faithful who cannot go outside their residence because of this pandemic. Though, the limited influx of people who can go to church during these trying times cannot hinder the desire of the faithful to feel the spirit of Christmas at the onset of the Misa de Gallo,” pahayag ni Fr. Dimol.
Ang virtual CCP Simbang Gabi ay nagsimula nitong Disyembre 15 – 23, ganap na alas-9:00 ng gabi (anticipated masses) at Disyembre 16 – 24, ganap na ala-5:00 ng umaga. Ito ay susundan ng Misa de Aguinaldo sa Disyembre 24, alas-9:00 ng gabi, na gaganapin mula sa St. Gregory the Great Cathedral Parish (Albay Cathedral) sa Legazpi City.
Ang CCP Simbang Gabi ay magtatapos sa isang espesyal Christmas Day Mass sa Disyembre 25, ganap na alas-10:00 ng umaga, at si Cardinal Luis Tagle ang mangunguna sa selebrason mula sa Pontificio Collegio Filipino sa Rome.
Ang lahat ng misang ito ay gaganapin livestreamed sa pamamagitan ng official CCP Facebook Page at YouTube Channel. Ito rin ay mabo-broadcast sa CNN Philippines Channel.
Para sa kumpletong schedule ng Simbang Gabi, sundan ang official CCP Facebook Page at iba pang social media accounts. Magsadya sa CCP website sa www.culturalcenter.gov.ph.

Related posts

Leave a Comment