KASO NG TUBERCULOSIS, TUMAAS

Ni Ann Esternon

Pangkaraniwang sakit ang tuberculosis at ito ay maaaring magdulot ng kamatayan sa pasyenteng mayroon nito.

Ang tuberculosis o TB ay sanhi ng bakteryang Mycobacterium tuberculosis at karaniwang inaatake nito ay ang mga baga. Ito ay delikado at nakakahawa, gayunman ito ay nagagamot at naiiwasan.

GAANO ITO KADELIKADO?

Delikado ang TB dahil mabilis itong makahawa. Kumakalat at nakakahawa ito sa tao dahil ang TB germs o ang maliliit na droplets nito ay naiiwan at kumakalat sa hangin.

Kapag ang isang tao na may TB ay umubo, bumahing, o dumura, ang germs ay nasasama sa hangin. Kahit kaunti lamang ang germs

Ang nakakatakot pa rito, ayon sa World Health Organization (WHO), ang 1/3 sa populasyon ng mundo ay may natatagong TB o latent TB. Ibig sabihin ang mga tao ay naimpeksyon na ng TB bacteria pero hindi pa nagkakasakit o wala pang sakit at hindi pa nakakapagpapasa ng sakit.

Sa tala, ang TB ay ikaanim na pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga Filipino.

Bago pa magkaroon ng pandemya dala ng COVID-19, ang TB ay kumikitil na ng 2,200 katao kada buwan. Sa panahon ngayon ng pandemya mas tumaas pa ang kaso ng TB sa bansa.

Isyu rin ang drug-resistant TB sa usaping ito. Isa pang dahilan kung bakit ang tuberculosis ay nananatiling isa sa mga pangunahing killers ay ang pagtaas sa mga drug-resistant strains ng bacterium. Dahil ang mga unang antibiotics ay ginagamit upang labanan ang tuberculosis higit sa 60 taon na ang nakaraan, ang ilang mga mikrobyo ng TB ay nakabuo ng kakayahang makaligtas sa kabila ng mga paggagamot, at ang kakayahang iyon ay maipasa sa kanilang mga susunod pang lahi.

Ang mga taong infected ng TB bacteria ay 10% na peligro na habambuhay na magkasakit dahil dito. Gayunman kung nakompromiso na ang immune system ng mga tao, halimbawa sa pagkakaroon ng human immunodeficiency virus o HIV, malnutrition o diabetes, o kung ang mga ito ay naninigarilyo, sila ay mabilis tamaan ng sakit dala ng TB.

Naging rare ang sakit na ito sa developed countries, at ang pagtaas ng kaso ng TB ay nagsimula noong 1985 dahil sa biglaang pagtaas din ng kaso ng HIV, ang virus na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng AIDS o acquired immunodeficiency syndrome. Ang pagkakaroon ng HIV ay nakakahina ng immune system kaya ang resulta ay hindi nalalabanan ang germs na dala ng TB.

SINTOMAS NG TB

Kapag nakakuha ng bacteria na nagiging sanhi ng TB, ang immune system natin ay kadalasang naiiwas tayo sa pagkakaroon ng sakit dahil dalawa ang uri ng TB.

Latent TB. Sa ganitong kalagayan, mayroon kang impeksiyon ng TB, ngunit ang bakterya ay nananatili sa iyong katawan sa hindi aktibong estado at hindi nagiging sanhi ng mga sintomas. Ang latent TB na tinatawag ding inactive TB or TB infection, ay hindi nakakahawa. Maaaring maging active TB ito kaya dapat agad na masuri at magamot, at maiwasan ang pagkalat ng TB.

Active TB. Ang kondisyong ito ay nagbibigay ng sakit at sa karamihan ng mga kaso ay maaaring kumalat sa iba. Maaaring mangyari sa unang ilang linggo pagkatapos ng impeksiyon sa bakterya ng TB, o maaaring mangyari sa mga susunod na taon.

SENYALES NG ACTIVE TB:

– Ubong tumatagal ng tatlong linggo o higit pa

– Pag-ubo na may kasamang dugo

– Pananakit ng dibdib sa tuwing uubuhin o humihinga

– Bumabagsak na timbang

– Nakakaramdam ng pagod

– Pinapawisan sa gabi

– Pagkakaroon ng lagnat

GAMUTAN

– Kailangang magpa­suri agad sa doktor kapag nakaranas ng mga sintomas ng tuberculosis.

– Sundin ang payo ng doktor at huwag itigil ang gamot hanggang walang abiso. Iwasang mag-self medicate.

– Kapag may active TB dapat ay maraming klase ng gamot ang iinumin ayon sa doktor, upang mawala ang sakit na ito at maiwasan ang pagkakaroon ng antibiotic resistance.

– Kailangang kumain ng masusustansyang pagkain lalo ang mga gulay.

– Iwasang magpagod nang husto at magpahinga o matulog sa tamang oras.

– Iwasang magsigarilyo o uminom ng mga alak.

189

Related posts

Leave a Comment