PARUL SAMPERNANDU DISPLAY SA CCP MATUTUNGHAYAN SA DISYEMBRE 10

0

Sa matinding pinsalang dala ng Covid-19, tila halos itigil nito ang galaw ng mundo maging ang tradisyon ng paparating na Pasko. Gayunman, ang Cultural Center of the Philippines ay naniniwalang dapat pa ring ipagpatuloy ang diwa ng Pasko at ituloy ang tradisyong Pinoy bilang imahe ng pasasalamat, pag-ibig at pag-asa sa kabila ng ating pinagdaraanan.

Sa taong ito, ang CCP ay nagpupugay sa panahon ng Kapaskuhan sa gaganaping “Pasko 2020,” isang pabulosong display ng Parul Sampernandu, na magbibigay liwanag sa CCP Main Building Facade at sa complex grounds mula Disyembre 10, 2020 hanggang Enero 3, 2021.

Masining na kinuha ng CCP ang mga naturang parol mula sa mga taon ng pag-iimbak, na orihinal na dinisenyo ng Pamilya Quiwa mula sa San Fernando, Pampanga. Ang dekorasyon ng Main Building Façade at ang bakuran ay nagsimula maraming taon na ang nakararaan. Lumikha ito ng isang platform para sa talakayan at brainstorming sa mga bagong paraan upang mabago ang umiiral na teknolohiya ng parol o itaas ang paggawa ng parol bilang isang uri ng sining na karapat-dapat na isama bilang bahagi ng malikhaing industriya ng teknolohiya.

Sa krisis sa kalusugan at resulta ng mga natural na sakuna na tumama sa bansa, ang mga malikhaing manggagawa mula sa Pampanga, na nawalan ng mga pagkakataon sa pangkabuhayan, ay hindi maaaring hamakin. Masipag silang nagtrabaho upang makalikha ng eight-point star na mga parol sa CCP kunsaan ginamitan ito ng gold foil.

Ang isang projection mapping ng isang kilalang projection designer na si GA Fallarme ay umakma sa mga nakasisilaw na parol. Para mabuo ang isang buong magical experience ay magkakaroon ng light and sound show spectacle na dinisenyo ni Danilo Villanueva. Bilang karagdagan, magkakaroon ng seleksyon ng mga maiikling pelikula ng animasyon mula sa Gawad CCP Para sa Alternatibong Pelikula archive upang masiyahan ang lahat.

Ang buong palabas ay mai-stream nang live sa page ng CCP Facebook at iba pang mga platform ng social media.

Layon ng “Pasko 2020” na hindi lamang para ihatid nito ang kasiyahan ng Kapaskuhan at maging isang simbolo ng pananampalataya at katatagan sa bawat Filipino sa panahon ng pandemya, kung hindi umaasa ang CCP na maibigay sa low-income craftsmen, skilled workers at designers ang nararapat na trabaho at sahod para sa mga higit na tinamaan ng krisis.

Ang light and sound show spectacle ay katatampukan ng in-house artists (kabilang ang theater crew at employees). Ang commissioned artists ay tinawag upang muling idisenyo at baguhin ang tradisyunal na disenyo ng mga parol o mag-propose ng ibang disenyo/istratehiya upang pailawan o pagandahin ang harapan ng CCP.

Bilang tugon sa panawagan, nagtulungan ang CCP at mga lokal na pamahalaan ng San Fernando-Pampanga, Manila at Pasay para sa taunang proyektong ito.

Ang CCP ay magsasagawa rin ng virtual Simbang Gabi, mula Disyembre 15 hanggang 23, sa ganap na alas-9:00 ng gabi (Anticipated Masses) at Disyembre 16 hanggang 24, ala-5:00 ng umaga (Dawn Masses); ito ay magtatapos sa isang Christmas Eve Mass sa Disyembre 24, sa ganap na alas-8:00 ng gabi at isang Special Christmas Day Mass sa Disyembre 25, sa ganap na alas-10:00 ng umaga.

Sundan ang official CCP Facebook at social media accounts para sa latest update hinggil sa “Pasko 2020.” Magsadya sa www.culturalcenter.gov.ph para sa iba pang detalye hinggil sa mga programa ng CCP.

Makikita sa mga larawang kuha nina Liza Ofianga at Rodel Valiente ang natatanging pabulosong display ng Parul Sampernandu, na magbibigay liwanag sa CCP Main Building Facade at sa complex grounds.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment