‘PINAS, DOT KINILALA SA 2020 WORLD TRAVEL AWARDS ASIA WINNERS DAY

0

Sa katatapos na 27th World Travel Awards kinilala ang Pilipinas bilang Asia’s leading beach destination at Asia’s leading dive destination para sa taong ito. Ang award-giving body ay nagdeklara rin na ang Department of Tourism (DOT) ng bansa ay leading tourist board in Asia sa taong ito, mula sa 11 nominated countries.

“We are truly honored and thankful for the accolades given to the Philippines at the 2020 World Travel Awards Asia. These recognitions are certainly an inspiration to the industry as we safely and gradually reopen our destinations for tourism. These would not be possible without the combined efforts from our tourism stakeholders, local government units, partner agencies, and our fellow Filipinos who have tirelessly promoted our country’s attractions, products and culture,” ani Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Ito ang ikaapat na beses ng Pilipinas na nasungkit ang Asia’s Leading Beach Destination at ikalawang beses na naiuwi ang pagkilalang Asia’s Leading Dive Destination, kasunod ang maraming nominasyon para sa mga kategorya simula noong 2006. Sa kabilang banda, ito ang ikalawa para sa DOT na makamit ang Asia’s Leading Tourist Board.

Kamakailan, ipinahayag ng DOT ang suporta nito sa unti-unting pagbubukas muli ng iba’t ibang tourism destinations sa bansa, kung saan prayoridad pa rin ang kaligtasan ng kalusugan. Ilan sa mga bukas nang destinasyon sa mga turista ay ang Baguio, Boracay, El Nido, Ilocos Norte, at iba pang diving sites sa lalawigan ng Batangas at naroon pa rin ang mahigpit na protocols kaugnay sa banta ng COVID-19.

Ang dive tourism ay kinilala ng DOT bilang isa sa key areas sa National Tourism Development Plan (NTDP) 2016 – 2022 na positibong nakaaapekto sa paglago ng industriya sa larangan ng pagtaas ng bilang ng mga turista, paglagi nila rito nang matagal, mataas na kita sa turismo at iba pa.

Samantala, ang Pilipinas at DOT ay may mga sumusunod na nalalabing nominasyon sa ilalim ng World category:

* World’s Leading Beach Destination 2020: Philippines

* World’s Leading Dive Destination 2020: Philippines

* World’s Leading Island Destination 2020: Siargao

* World’s Leading Tourist Board 2020: the Philippines, Department of Tourism

* World’s Leading Tourist Attraction 2020: Intramuros

Simula noong 1993, ang World Travel Awards ay nakapag-ambag na sa pagtaas ng global tourism standards sa pagkilala sa brands at best practices mula sa paglalakbay, tourism, at hospitality industries sa isang annual series ng gala ceremonies na ginaganap sa bawat kontinente. Sa bawat taon ay naka-cap sa isang Grand Final Gala.

Para sa detalye, magsadya sa www.philippines.travel

Related posts

Leave a Comment