Puyat hinihikayat ang mga apektadong manggagawa sa turismo na kunin ang expanded DOT-DOLE financial assistance

0

Nakikipag-ugnayan ang Department of Tourism (DOT) sa mga manggagawa sa turismo na apektado ng pagsasara ng mga establisimiyento o ang mga nabawasan ng operasyon, na agarang makuha ang expanded financial assistance bilang bahagi ng Bayanihan to Recover as One Act interventions upang bigyang pokus ang resulta ng pandemya sa turismo sa Pilipinas.

Sa ilalim ng isang Joint Advisory (JA) sa pagitan ng DOT at ng Department of Labor and Employment (DOLE), pinamagatang Expanded Coverage of Beneficiaries Under DOLE-DOT Joint Memorandum Circular (JMC) No. 2020-001, ang financial assistance program ay mas sumasaklaw pa sa 1) beneficiaries ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Social Amelioration Program (SAP) at COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) sa ilalim ng BAYANIHAN 1;  2) mga mangggagawang apektado ng establisimiyento na nagpapatupad ng Flexible Work Arrangements o Alternative Work Schemes; at, 3) LGU-Licensed Secondary Tourism Enterprises.

“This initiative will widen the scope of recipients of this financial assistance program and accommodate those who have already availed of existing programs open to the tourism sector.  Hopefully, the program’s take-up rate significantly improves to reach more members of the micro-, small- and medium-enterprises (MSMEs) and more importantly, those belonging to the informal sector,” paliwanag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat.

Pinapayuhan ng tourism chief ang tourism enterprises, associations at local government units (LGUs) na tumulong sa pagbibigay ng mahahalagang to dokumento na kailangan para sa kanilang mga apektadong empleyadong miyembro.

Sa expanded coverage, pinapayagan nito ang pagbibigay ng DOT ng training vouchers para maendorso ang tour guide associations o mga grupo para magsagawa ng isang relevant training para sa mga kwalipikadong miyembro na hindi lalampas ng ika-30 ng Hunyo 2021. Sa pagiging epektibo nito, ang tour guide applicant ay maaari nang makagamit ng financial assistance kaugnay sa DOT-spearheaded training na isasagawa sa loob ng itinakdang panahon.

Sa naturang JA, ito ay may bisa at maipatutupad ang iba pang probisyon ng DOLE-DOT Joint Memorandum Circular No. 2020-001.

Tulad ng itinadhana sa nasabing JMC, ang mga sumusunod na tao ay mananatili bilang pangunahing mga benepisyaryo ng programa:

1. Mga inalis na DOT-accredited at local government unit (LGU)-Licensed Tour Guides

2. Mga inalis na empleyado ng DOT-accredited Primary Tourism Enterprises

3. Mga inalis na empleyado ng DOT-accredited Secondary Tourism Enterprises

4. LGU-Licensed Primary Tourism Enterprises (primary tourism enterprises, at tourism trainers na hindi accredited ng DOT pero rehistrado ng kanilang LGUs)

5. Mga miyembro ng rehistradong Community-Based Tourism Organizations (CBTOs) (organized groups sa isang komunidad na eksklusibong naglilingkod sa mga turista sa isang attraction o destination na nakarehistro sa nauugnay na Pambansang Ahensya ng Pamahalaan o ang kaugnay na LGU).

“We continue to assist our LGUs in slowly opening their tourism destinations in order to restore businesses, livelihood and jobs.  Meanwhile, we hope that this program, along with other COVID-related schemes of assistance, will be warmly welcomed by our workers to tide them over this Christmas,” dagdag pa ni Secretary Puyat.

Para sa iba pang detalye, magsadya sa DOT Facebook page – Department of Tourism – Philippines at tumawag sa designated focal persons na nasa Regional Office Directory.

Related posts

Leave a Comment