SIMBANG GABI NG CCP, ONLINE STREAMING MULA SA IBA’T IBANG REHIYON AT ROME

0

Sa nakalipas na 15 taon, tradisyon na ng Cultural Center of the Philippines na magkaroon ng Simbang Gabi tuwing sasapit ang Kapaskuhan. Para sa CCP, ang pagkakaroon ng novena (siyam) na misa ay hindi ordinaryong programa; ngunit ito ay isang espesyal na kailangan ng pag-iingat at metikulosong pagpaplano.

Sa pakikipag-ugnayan sa Our Lady of Sorrows Parish sa Pasay City at business establishments sa paligid ng CCP Complex, ang Simbang Gabi na ginaganap sa CCP Main Ramp ay nag-aanyaya sa publiko na umaabot sa tinatayang libong mass-goers bawat araw, habang ang Misa de Aguinaldo (Misa sa Bisperas ng Pasko) sa Main Theater ay nakapupuno ng isang theater capacity, na umaabot hanggang Main Theater Lobby.

Ang Misa sa Bisperas ng Pasko ay tradisyunal na pinangungunahan ng mga nagtatanghal mula sa resident companies tulad ng Tanghalang Pilipino Actors’ Company, Ramon Obusan Folkloric Group, at ng Philippine Madrigal Singers, at sa partisipasyon ng iba’t ibang nagtatanghal kabilang ng 100-Voice Chorale, at Philippine Philharmonic Orchestra.

Ngayong nababalot tayo ng resulta ng pandemya kung saan kinakailangan nito ng ibayong pag-iingat para maiwasan ang virus Covid-19, natigil nito ang mga tradisyon kabilang ang tradisyo ng CCP na nabanggit. Gayunman, ang pananampalataya ng mga Filipino ay hindi nawawaglit at bagkus ay nagpapatuloy.

Sa pagsubok na ito, nahaharap at nakikisabay ang CCP sa sinasabing new normal na takbo ng buhay. Tulad ng ibang mga programa, ang CCP Simbang Gabi 2020 ay muli pa ring maaasahan at mapapanood ito online.

Sa online platform, ang CCP ay magdiriwang ng Simbang Gabi sa buong kapuluan at iaangat nito ang ating mga espiritu upang tayo ay magkaroon ng pag-asa partikular sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo. Ang pagkakataong ding ito ang mag-uugnay sa mga Filipino at iba pang mga Katoliko sa iba’t ibang bahagi ng mundo para sa gaganaping tradisyon.

Ang virtual na Simbang Gabi ay magsisimula sa Disyembre 15 hanggang 23, sa ganap na alas-9:00 ng gabi (anticipated masses), at sa Disyembre 16 hanggang 24, ganap na ala-5:00 ng madaling araw (dawn masses), at ito ay mapapanood sa pamamagitan ng official CCP Facebook page at YouTube Channel. Ito ay mabro-broadcast sa CNN Philippines Channel.

Upang maging matagumpay ang programa, ang CCP ay nakipag-ugnayan sa mga simbahan sa bansa – Our Lady of Sorrows sa Pasay City; St. Peter the Apostle Parish sa Loboc, Bohol; Our Mother of Perpetual Help (Redemptorist) Church sa San Miguel, Iligan City; Holy Cross Parish (Margot) sa Sapang Bato, Pampanga; Our Lady of Montserrat Parish sa Jaro, Iloilo City; San Pedro Cathedral (Davao Cathedral) sa Davao City, Davao; Our Lady of Piat Basilica sa Piat, Cagayan; Sto. Niño de Tacloban Parish sa Tacloban City; at St. Francis Xavier Parish sa Pueblo de Oro, Cagayan de Oro City.

Sa Disyembre 24, ganap na alas-9:00 ng gabi ang Misa de Aguinaldo ay ipagdiriwang mula sa St. Gregory the Great Cathedral Parish (Albay Cathedral) sa Legazpi City kasama si rector/pastor Rev. Msgr. Noe Thomas.

Ang CCP Simbang Gabi ay magtatapos sa isang special Christmas Day Mass (Disyembre 25, alas-10:00 ng umaga) sa pamumuno ni Cardinal Luis Tagle na magmumula sa Rome, Italy.

Sa gaganaping pre-mass event, magkakaroon ng isang 10-15-minutong video clip sa mga nakaraang aktibidad ng Simbang Gabi (pagtatanghal ng Philippine Madrigal Singers at iba pang grupo, Philippine Philharmonic Orchestra, Tanghalang Pilipino, at Ramon Obusan Folkloric Group).

“In the times of crises and pandemics, art and spirituality help us rise from despair; and, supported by the Filipino’s close ties to familial bonds, we get to form psychic sanctuaries… much needed and most timely, in this season.” ani CCP Production and Exhibition Department head Ariel Yonzon.

Bilang pagpapakita ng pasasalamat, ang CCP ay magbibigay ng maliit na token offerings sa parish communities na naging instrumento ng pagbibigay ng mga mensahe ng pag-asa at pag-ibig ngayong Kapaskuhan kahit pa nahaharap tayo sa krisis.

Sundan ang official CCP Facebook at social media accounts para sa latest updates ukol sa CCP Simbang Gabi Pasko.  Magsadya sa www.culturalcenter.gov.ph para sa iba pang programa ng CCP. Huwag kalimutang ibahagi ang inyong CCP Simbang Gabi experience; gamitin ang hashtags #CCPSIMBANGGABI2020 #CCPSIMBANGGABI

Related posts

Leave a Comment