SM MALLS UMAYUDA SA MGA APEKTADO NG BAGYONG ROLLY

Naging bukas ang SM malls sa Metro Manila at Luzon para sa mga stranded ng bagyong Rolly na humagupit sa Bicol at Southern Luzon regions sa nagdaang linggo. Agad ding hindi pinatupad ang overnight parking charges bilang malasakit sa ating mga kababayan. Gayundin, nagkaroon ng free WiFi, charging stations, at nagtayo ng isang help desk para sa inisyatibang ito.

“Our malls in typhoon-hit areas will remain open to those who need shelter. Rest assured that we will extend as much relief assistance as we can to help rebuild our communities,” ayon kay SM Supermalls President Steven Tan.

Sa isang pag-aanunsyo, ang SM malls sa Metro Manila at ibang piling lugar sa Luzon ay maagang nagsara noong November 1 ngunit nagging bukas ito sa sinomang naghahanap ng masisilungan kaugnay ng bagyo.

Ang SM Supermarkets, Hypermarkets, at Savemore Markets ay nanatiling bukas sa customers.

Para sa updates, magsadya sa www.smsupermalls.com o sa kanilang social media accounts sa Facebook, Twitter, at Instagram (@SMSupermalls).

133

Related posts

Leave a Comment