TAGULAMIN SA MGA DAMIT, PAANO MAWAWALA?

0

Ni Ann Esternon

Ang tagulamin ay ang namumuo at kumakapit sa mga damit o telang matagal nang hindi nalilinis o nagagamit.

Madalas din itong makita kapag ang tela ay hindi napatuyo nang maayos at nakaimbak nang may katagalan. Kapag hindi naagapan, ang tagulamin ay makasisira ng tela, mag-iiwan ito ng mantsa at pwede ring makanipis o makabutas.

Ang tagulamin din ay lumilikha ng hindi kaayaayang amoy sa tela. Ang amoy nito ay maaaring kaamoy ng lumot na malansa.

Nagsisimula rin ang tagulamin sa mga lugar na mamasa-masa at pinamumugaran ng fungi o mold. Pwedeng makita ito sa likod ng inyong closet, laundry basket at iba pa.

Bumabaho ang damit dahil sa tagulamin dahil na rin sa mold o fungi na nabubuhay sa damp places. Tandaan natin na kahit saan ay may moisture, kaya naman ang tagulamin ay pwedeng maging unwanted guest na aaktong at home talaga ang mga ito.

MATATANGGAL PA BA ANG TAGULAMIN SA DAMIT?

Posible ngunit ang kailangan dito ay todo effort at paglalaanan talaga ng oras.

Ang pinakamadali paraan dito ay maghanap kayo ng aid mula sa inyong kitchen pantry. Tulad nito ay asin at lemon.

Solution 1:

Paghaluin lamang ang lemon juice at asin para makabuo ka ng thick paste at ikuskos ito sa mildewed-infested areas ng damit, kumot, kurtina, bedsheet at iba pang kinapitan nito.

Hayaan ang paste sa tela nang ilang minuto. Sabunin at banlawan. Kapag naroon pa rin ang mantsa ay muling ulitin ang procedure hanggang sa mawala ang tagulamin saka isampay na nakabilad sa araw.

Solution 2:

Pwede ring maging option ang pagsamahin ang tubig at suka.

Siguraduhing nasa equal parts ang dalawang ito na may sapat na dami – depende sa dami rin ng damit. Sa solution na ito ay ibabad ang damit na may mild na tagulamin. Para sa tougher stains, gumamit ng full-strength vinegar.

Solution 3:

Option din na gumamit ng borax.

Ang combination nito na boron, sodium, oxygen at water ay tinatawag na all-natural mineral na karaniwan nang panlaban sa tagulamin. Maghalo lamang ng dalawang litro ng tubig sa dalawang tasang borax, at ikuskos ang solution na ito sa mildewed areas ng damit o tela. Sunod dito ay i-saturate ang garments sa solution hanggang sa ang stains ay mawala nang tuluyan – proseso ito na aabutin ng ilang oras.

Kapag natanggal na ang mantsa ay agad itong labhan at banlawan nang mabuti. Patuyuin agad nang natural o gamit ang dryer.

Solution 4:

Maaari ring asahan ang bleach para rito.

Ang bleach ay nakatatanggal ng mildew stains, pero dapat na maging maingat sa paggamit nito. Mas mabuting gumamit ng bleach na akma sa mga puti at bleach para sa deKolor na mga damit o tela. Kung hindi magiging maingat sa paggamit ng chemical ay lalo lamang masisira ang damit.

Para sa washable fabrics, ikuskos ang small amount ng powdered detergent sa mildew stains. Depende kung allowed ng tags, labhan ang damit sa mainit na tubig at magdagdag ng kalahating tasang chlorine bleach. Kapag hindi pwede, base sa clothing labels, ibabad ang damit sa quarter cup ng oxygen bleach – labeled perborate or all-fabric – sa isang galon ng maligamgam na tubig. Makalipas ng 30 minuto o higit pa ay dapat nang mawala ang mantsang nakakapit sa damit.

NAGDUDULOT BA NG SAKIT ANG TAGULAMIN?

Ang matagal na pagkalantad sa mold at mildew ay maaaring makapaghatid sa atin ng serious consequences para sa ating kalusugan at well-being.

May mga taong kaagad na nahihirapang huminga matapos na ma-expose sa spores, lalo na kung sila ay nakadikit sa damit o tela na malapit naman sa ating bibig at ilong.

Dahil mahirap namang iwasan ang kapaligiran – indoors at outdoors – ng mold and mildew, mahalagang magkaroon ng regular na pag-eeksamin sa mga damit o anumang tela na nasa bahay. Suriin kung ang mga ito ay may mantsa at agad solusyunan ito.

Ang paghawak at paglanghap sa mold and mildew ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng isang wide range of health problems – sa allergic o non-allergic man na tao – kahit pa ang spores ay patay o buhay.

Ang sakit na maaaring makuha rito ay kinabibilangan ng throat irritation at nasal issues tulad ng congestion, sneezing at bloody noses. Maaari ring magtubig ang mga mata at mamula ang mga ito habang ang balat ay maaari ring mag-break out in hives o rashes.

Related posts

Leave a Comment