TIPS PARA SA CLEAR, SOFT SKIN

Ni Ann Esternon

Paano ba maa-achieve ang pagkaroon ng clear, soft skin?

Marami sa atin ang ramdam na hindi achievable ang pagkakaroon ng magandang kutis lalo na kung matagal na natin itong problema.

Ang isang una at kailangan nating gawin para ma-achieve ang magandang kutis ay magkaroon tayo ng kontrol sa negatibong emosyon dahil ang kondisyon ng ating kutis ay naka-match sa kung paano tayo mag-isip o mag-react sa mga bagay-bagay. Kung tayo ay laging masaya ang kutis natin ay naggo-glow. Dito ay naiiwasan natin ang pagkakaroon ng kulubot na balat. Ang simpleng pagsimangot ay maaaring mag-iwan ng permanenteng lines sa ating balat lalo kung madalas itong ginagawa. Nagagalaw at pressured din ang muscles sa mukha kung laging negatibo ang ating facial expressions.

MAY REMEDY BA?

Ngayong nasa community quarantine tayo at marami sa atin ang nasa loob lamang ng bahay, i-relax ang ating mukha hanggang maaari. Maaari ninyong subukan ang facial exercise, pag-yoga, o ang pag-meditate.

Makatutulong din ang pagmamasahe ng mukha gamit ang mild facial oil na akma rin sa klase ng inyong balat. Ang pagmamasahe ay gawin gamit ang mga dulong bahagi ng inyong mga daliri at paikot at pataas na pagalawin ito sa inyong mukha. Sa paraang ito ay nagiging maganda ang circulation ng dugo at ang muscles ay nare-relax.

Malaking tulong din ang paghinto sa paninigarilyo dahil nakakatanda ito ng balat. Iwasan din ang mausukan – ito man ay galing sa sigarilyo o iba pang uri ng polusyon na nasa hangin.

Ang pag-inom din ng mga inuming nakalalasing at kung madalas o palagi itong ginagawa ay nag-iiwan din ng masamang epekto sa balat tulad ng paninigarilyo.

Iwasan natin ang magpapaaraw dahil nakasisira ito ng kondisyon ng balat.

Iwasan ang paglalagay ng sobra o palagiang paggamit ng makeup. Karamihan sa makeup ngayon sa merkado ay taglay ang chemicals na nakasisira sa balat kalaunan.

Iwasan ang pagpupuyat dahil nawawalan din ng pahinga ang balat. Ang pagpupuyat ay nagdudulot din ng stress at ang stress ay nagdudulot ng wrinkles sa balat.

Magkaroon ng regular na ehersisyo at kailangang may tamang nutrisyon tayo sa katawan sa pagpili ng ating mga kinakain.

Makatutulong din ang pagkonsulta sa inyong dermatologist upang higit na malaman ang tamang pag-iingat sa inyong sarili.

Tandaan natin na habang tayo ay tumatanda ay mas kailangan nating maging maingat at maging maalaga sa sarili upang maging mabagal ang proseso ng ating pagtanda.

184

Related posts

Leave a Comment