180 lang sa hospital staffs ang nagpabakuna SINOVAC DINEDMA SA TALA HOSPITAL *Dizon ‘hinayblad’ bago nabakunahan

0

NAPATUNAYAN ang pagiging “choosy” ng mga staff ng Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sa Caloocan City, na kabilang sa mga unang nakatakdang bakunahan laban sa COVID-19, matapos lumabas na lalo pang nabawasan ang dati nang kakaunting kawani ng pagamutan na gustong magpabakuna ng Sinovac.

Umabot lamang sa 180 sa halos 2000 kawani ng pagamutang kilala rin bilang Tala Hospital, ang payag na maturukan ng Sinovac, ito ang nabatid sa nurse ng nasabing ospital na si Julie Anne Talimban-Soler.

Naglabas ng questionnaires ang ospital para sa 1,917 kawaning kwalipikadong bakunahan ngunit 1,165 lamang ang tumugon, at 180 lang, o lagpas lang ng 15%, ang sumang-ayon na mabakunahan ng Sinovac.

Ayon pa kay Talimban-Soler, 92% ng hospital staff ang gustong maturukan ng bakunang gawa ng Pfizer.

Magugunitang noong unang linggo ng Pebrero, nabatid na 33% lamang sa staff ng nasabing ospital ang gustong magpabakuna laban sa COVID-19 dahil umano may “kinatatakutang” brand ng bakuna.

Napag-alamang sa tinatayang 1,900 medical at support staff ng ospital, 33% pa ang undecided at ang nalalabing 33% ay talagang ayaw magpabakuna.

Sinabi noon ng medical director ng ospital na si Dr. Alfonso Victorino Famaran, Jr. na ang personnel ay mayroong “fear of the brand of the vaccine” at hindi sa mismong pagpapabakuna sila takot.

Ayon naman kay Dr. Christopher delos Santos, Vaccination Program supervisor ng ospital, tutugunang lahat ang mga alalahanin ng mga empleyado sa pagpapabakuna sa nasabing pulong at umaasa siyang matapos ang diskusyon ay 100% ng hospital staff ang magnanais nang magpabakuna.

Napag-alamang tumaas umano presyon ang dugo ni National Task Force Deputy Chief Implementer Sec. Vince Dizon bago turukan ng bakuna ng Sinovac sa nasabing ospital nitong Lunes kaya’t kinailangan muna niyang magpahinga bago mabakunahan.

Bago mag-alas-11:00 ng umaga nitong Lunes, kabilang sa unang naturukan ng bakuna ng Sinovac sina Dr. Famaran, Sec. Dizon, Samuel Sumilang, hepe ng nursing service ng pagamutan, at dalawa pang nurse

Sinaksihan ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang nasabing pagbabakuna. (ALAIN AJERO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment