2 AGAW-ARMAS UMATAKE SA QC, SEKYU SUGATAN

SUGATAN ang isang security guard makaraang agawin ang kanyang service firearm at barilin ng dalawang hindi kilalang mga suspek sa Barangay Philam Homes, Quezon City nitong Biyernes ng
umaga.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang si Mark Angelo Solayao y Biong, 33-anyos, residente ng Madjaas St., Group II, Area B, Brgy. Payatas sa nabanggt na lungsod, nilalapatan ng lunas sa Quezon City General Hospital.

Ayon sa saksing si Reymart Junio, 29, salesman, ng #164 Baler Street, Barangay Paltok, Quezon City, habang naka-duty ang biktima sa #957 Pedrollo Bldg. sa EDSA, Barangay Philam Homes, Quezon City, nang sumulpot sa likod ng security guard ang mga suspek at inagaw ang kanyang service firearm na isang caliber .38 revolver.

Gayunman, pumalag ang biktima naging dahilan upang barilin siya ng isa sa mga suspek at pagkaraan ay mabilis na tumakas.

Mabilis namang isinugod ang biktima sa pagamutan ng testigong si Junio para malapatan ng lunas. Ayon sa attending physician na si Dr. Michelle Ang, ang biktima ay tinamaan ng isang bala sa
kanang bahagi ng katawan. Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing insidente.

81

Related posts

Leave a Comment