2 ARESTADO SA BARIL AT SHABU

DALAWANG hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang arestado matapos makumpiskahan ng baril at shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon City nitong Martes ng umaga.

Kinilala ni Malabon Police chief, Col. Angela Rejano ang arestadong mga suspek na sina Ernani Panes, 27, ng #1036 Arlegui St., Quiapo, Manila at Erwin Joseph Bautista, 34, ng Paliwas, Obando, Bulacan.

Ayon kay Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator, P/SSgt. Kenneth Geronimo, dakong alas-6:30 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU, sa pangunguna ni P/SSgt. Julius Sembrero, sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. John David Chua, sa pamumuno ni Col. Rejano, kontra sa mga suspek sa loob ng isang Toyota Vios sa Don Basilio Bautista Blvd., Brgy. Dampalit.

Isang undercover police na nagpanggap na buyer ang nakabili sa mga suspek ng P1,000 halaga ng shabu na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito.

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 11 gramo ng shabu na tinatayang P74,800 ang halaga, buy-bust money, isang F. Berreta cal. 380 na may magazine at kargado ng anim na bala at Lumina Green Toyota Vios (P8X 412). (FRANCIS SORIANO)

69

Related posts

Leave a Comment