2 SABUNGERO DINAMPOT SA TUPADA SA PAROLA

0

BUNSOD ng nakatalagang mga look-out, dalawa lamang sa mga sabungero ang natimbog ng mga tauhan ng Manila Police District sa pagsalakay sa isinagawang tupada sa Parola Compound, Tondo, Manila noong Linggo ng hapon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Degree (PD 1602) na inamiyendahan sa RA 9287 (illegal gambling) ang mga suspek na kinilalang sina Jeffrey Palconit, 32, binata, jobless, ng #156, Gate 54, Area C, Parola Compound, at Sonny Di-Cen, 30, may asawa, vendor, ng Gate 48, Area B, kapwa ng Parola Compound sa Binondo, Manila.

Base sa report nina P/Cpl. Rodjet Catungal, P/Cpl. Jaime Balang at Pat. Jerome Arroyo ng Parola Police Community Precinct, na isinumite kay P/Lt. Col. Cenon Vargas, Jr., station commander ng MPD-Police Station 12, bandang alas-4:00 ng hapon nang salakayin nila ang ilegal na sabong ng manok sa Gate 54, sakop ng Barangay 275 sa Parola Compound.

Ito ay makaraang makatanggap ng tawag sa telepono ang himpilan ng pulisya hinggil sa nangyayaring tupada sa lugar.

Ngunit agad nakatunog ang nakakalat na look-out kaya mabilis na nagtakbuhan ang mga sabungero kaya dalawa lamang sa mga ito ang nadakip. (RENE CRISOSTOMO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment