2 SWINDLING SUSPECTS INARESTO SA NBI JAIL

INARESTO ang dalawa katao sa kasong swindling sa bisa ng warrant of arrest habang nakapiit sa National Bureau of Investigation sa Taft Avenue, Ermita, Manila noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Jachob Rasuman y Amer, 37, at Princess Aliah Tomawis y Rasuman, nasa hustong gulang at kapwa residente ng Camague Highway, Iligan City.

Base sa ulat ni P/Major Rommel Anicete at P/Capt. Alfredo Tan Jr. na isinumite kay P/Lt. Col. Noel Aliño, OIC ng Manila Police District-DIIDM, bandang alas-4:00 ng hapon noong Hunyo 18 nang isilbi ang arrest warrant sa dalawang suspek habang nakakulong sa NBI detention cell.

Ayon sa report ng pulisya, target ng warrant of arrest mula sa sala ni Hon. Alberto Pantonial Quinto, Regional Trial Court 10, Judicial Region Branch 1 sa Iligan City, Lanao Del Norte, ang mga suspek na inaresto ng mga operatiba ng MPD dahil sa kasong swindling (estafa) o paglabag sa Revised Penal Code Art. 315 na inamiyendahan sa Presidential Decree 1689. W

Walang inilaang piyansa ang korte para sa mga suspek. (RENE CRISOSTOMO)

44

Related posts

Leave a Comment