2 TIMBOG SA P2M DRUG BUST

TIMBOG sa ikinasang buy-bust operation ang isang babaeng call center agent at kapitbahay niyang Angkas rider sa buy bust operation sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Pasay City.

Kumpiskado din mula sa mga susek na sina Eliza Aurelio at Emmanuel Bartolome ang ang 300 gramong drogang nagkakahalaga ng mahigit P2 milyon sa merkado.

Sa pagtutulungan ng mga operatiba ng SOU-4A, PNP DEG at Pasay City Police Station, isinagawa ang operasyon laban sa mga suspek bandang 11:45 Biyernes ng gabi sa harap ng Marbella 1 Tower.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang nakatakdang isampa sa kina Aurelio at Bartolome na kapwa nakapiit ngayon sa Pasay City Police Station. (DAVE MEDINA)

63

Related posts

Leave a Comment