22 KOOPERATIBA PINARANGALAN NG FOUNDATION

PINARANGALAN ng Villar SIPAG Awards on Poverty Reduction ang 22 kooperatiba sa kanilang tulong upang mapabuti ang kalidad ng buhay ng kanilang mga kasapi sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Pinangunahan nina dating Senate President Manny Villar at Sen. Cynthia Villar ang virtual handover ceremony sa mga kooperatiba na nagmula sa iba’t ibang lugar sa bansa. Itinampok din ang pagdiriwang ng kaarawan ni dating Senate President Villar, founding chairman ng Villar SIPAG.

Tumanggap ng tig-P250,000 cash mula sa Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG) ang mga awardee. Tatlong kooperatiba na may special citation ang tumanggap ng tig-P100,000 cash.

“Cooperatives play a significant role toward realizing the aspirations of our countrymen, especially those from the rural areas. They are the true epitome of Sipag at Tiyaga, values that have helped me succeed in my career as a businessman and a public servant,” ayon kay dating Senate President Villar.

“Through this recognition, we hope to inspire and encourage cooperatives to continue with their work to uplift the lives of their communities,” sabi naman ni Sen. Cynthia Villar, director of Villar SIPAG.

Isa sa mga awardee ang Golden Group Gabay Puhunan Brotherhood MPC mula sa San Fernando City, Pampanga. Nagsimula ang credit cooperative noong 1990 kung saan pinagsama-sama ng 15 market vendor ang kanilang resources para tulungan ang isa’t isa na mapabuti ang kanilang kalagayan.

Nagkaroon sila ng “paluwagan” na may mababang interes at tinangkilik ang kanilang mga produkto at serbisyo.

Dumami ang bilang ng mga kasapi na mahigit 5,000 na kinabibilangan ng market vendors, magsasaka, mangingisda, service providers, at micro, small, and medium-sized enterprises (MSME), na may total asset na P796 milyon.

Lumawak ang kooperatiba na ngayo’y may mga kasapi sa real estate at solar power generation sa kanilang negosyo.

Ang isa pang awardee, ang CAMSUR Multipurpose Cooperative mula sa Pili, Camarines Sur, ay sumusuporta sa kanilang mga magsasaka at MSME members.

Sa ngayon, meron na itong 2,500 kasapi simula nang itatag noong 2000.

May asset na P195 milyon, tumutulong ito na magbigay ng trabaho at oportunidad sa negosyo, at mapanatili ang farm production ng mga kasapi.

Tinuruan din ng grupo ang kanilang mga kasapi ng entrepreneurial skills at financial literacy habang isinusulong ang organic fertilizers production para mapaganda ang kondisyon ng lupa. (ESTONG REYES)

138

Related posts

Leave a Comment