4-anyos na anak nadamay LABOR UNION LEADER PATAY SA TANDEM

PATAY ang isang 50-anyos na lider ng unyon makaraang pagbabarilin ng riding in tandem habang tinamaan ng stray bullet ang anak nito sa Tondo, Manila, noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Leonardo Escala y Sebastian, may asawa, ng Mel Lopez Boulevard (dating Road 10) sa panulukan ng Mabuhay St., sakop ng Brgy. 39 sa Tondo.

Samantala, tinamaan ng ligaw na bala sa pigi ang 4-anyos nitong anak na isinugod sa Philippine General Hospital.

Kasalukuyan namang inaalam ni Det. Niño Baladjay ng Manila Police District – Homicide Section, ang pagkakakilalan ng tumakas na mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo, at ang posibleng motibo ng pamamaril.

Base sa ulat ni Det. Baladjay, bandang alas-7:20 ng gabi nang pagbabarilin ang biktima sa tapat ng kanilang bahay habang kasama ang kanyang anak.

Hinihinala ng pulisya na ang pagiging union leader ng biktima ang motibo sa krimen. (RENE CRISOSTOMO)

68

Related posts

Leave a Comment