4 BABAE KULONG SA CHILD SEXUAL EXPLOITATION

0

APAT na kababaihan ang hinatulan ng pagkabilanggo ng korte sa Cebu dahil sa pagsasamantalang seksuwal sa mga bata sa pamamagitan ng online.

Ayon sa International Justice Mission (IJM), tatlong ina ang hinatulang mabilanggo ng 15 taon dahil sa kasong “qualified trafficking in persons” sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act.

Bukod dito, inatasan din ng korte ang bawat isa sa kanila na magbayad ng P600,000 sa kanilang nabiktima bilang pagsira sa kanilang dangal.

Nadakip ang tatlong akusado ng mga awtoridad noong 2019 dahil sa reklamong isinubo nila ang siyam na bata sa online sexual exploitation kapalit ag pera.

Bukod sa tatlo, isa pang babae ang hinatulang makulong ng 23 taon makaraang mapatunayan ng korte na inilagay niya ang kanyang 3-anyos at 5-anyos na mga anak sa pananamantalang seksuwal sa online kapalit ang pera.

Inatasan ng korte na magbayad ang akusado ng P600,000 sa kanyang mga anak sa paninira ng kanilang dangal.

Kinumpirma ng IJM noon na talamak ang online sexual exploitation
sa mga menor de edad sa maraming panig ng bansa, kabilang sa Cebu at Metro Manila.

Inamin din nito na maraming kaso na mismong mga nanay pa ng mga bata ang may pakana ng krimen laban sa kanilang mga anak.

Ilang linggo na ang nakalilipas, ilang senador ang nakapasin ng pagdami umano ng pananamantalang seksuwal sa mga bata, sa pamamagitan ng online, ngayong lockdown ang bansa dulot ng COVID-19.

Hindi pa nagsasagawa ng imbestigasyon ang Senado tungkol dito. (NELSON S. BADILLA)

 

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment