4 KILLERS NI QC CONGRESSIONAL BET BELTRAN HULI

kapitan

(PHOTO BY ARTURO SON)

ARESTADO ng awtoridad ang apat na suspect na umano’y nasa likod ng pagpaslang kay barangay chair Crisell ‘Beng’ Beltran na pambato rin sa 2nd district ng Quezon City para sa Kongreso sa May 13 midterm elections.

Maliban sa apat, lima pang hinihinalaang kasabwat ng mga ito ang inaresto sa illegal possession of firearms.

Hindi pa ibinubunyag ng Quezon City Police Department ang iba pang detalye dahil ihaharap ang mga ito sa media sa Camp Karingal ng alas-11 ng tanghali.

Si Beltran, kasama ang kanyang grupo ay sakay ng kanyang SUV sa J.P. Rizal St., malapit sa Filinvest 2, Barangay Bagong Silangan nang ambusin noong Martes ng tanghali.

Sakay ng tatlong motorsiklo ang mga suspect na rumatrat sa sasakyan ni Beltran.

Naglaan ang Quezon City government ng P5 milyong reward para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa mga pumaslang kay Beltran.

132

Related posts

Leave a Comment