5 BUMBAY LAGLAG SA BI

bureau of Immigration-2

ARESTADO ng intelligence agents ng Bureau of Immigration (BI) sa Mindanao kamakailan, ang limang Indian nationals na ilegal na naninirahan sa bansa.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang mga dayuhan ay nadakip sa Davao City noong nakaraang Pebrero 4 sa operasyong isinagawa ng mga operatiba mula sa BI Intelligence Division Mindanao Task Group (MTG), sa pangunguna ni Intelligence Officer Melody Gonzales.

Sinabi ni Morente, inisyu ang mission order na nag-awtorisa sa BI agents matapos makatanggap ng reklamo  mula sa Davao City residents na may mga Indian na may notorious “5-6” lending business.

“They are now detained at our detention facility while undergoing deportation proceedings,” anang BI chief, kasabay nang paghikayat sa publiko na huwag mag-alangang magsumbong sa bureau sa presensiya ng illegal aliens sa kanilang komunidad. (JOEL AMONGO)

 

Related posts

Leave a Comment