86 KLASENG ANTIGEN KITS PINABABAWI SA MERKADO

NAGBABALA ang Food and Drugs Administration (FDA) laban sa kumakalat na self-administered antigen kits sa merkado.

Giit ng FDA, substandard ang 86 klase ng antigen kits batay sa kanilang pagsusuri. Bunsod nito, naglabas na rin ng recall order ang ahensya laban sa nasabing medical supplies na karaniwang ginagamit sa hangaring mabatid kung ang isang tao ay positibo sa nakamamatay na COVID-19.

Gayunpaman, may dalawang nakalusot sa mahigpit na pamantayang itinakda ng FDA bago pa man gawaran ng special certification – ang Panbio COVID-19 antigen self-test ng Abbot at ang SARS-CoV-2 antigen rapid test ng Labnovation.

“Hindi nila na-meet ang RITM (Research Institute for Tropical Medicine) performance validation habang mayroon silang special certification. Marami po talaga ditong natanggal sa market dahil hindi pumasa sa FDA standard,” pahayag ni FDA acting director general Oscar Gutierrez. (DAVE MEDINA)

74

Related posts

Leave a Comment