ALERT LEVEL 3 SA NCR HANGGANG OCT. 31

ncr
0

ITINAAS na sa 30% ang indoor religious activities kasunod ng paglalagay sa National Capital Region sa ilalim ng Alert Level 3 na magsisimula sa Oktubre 16.

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang pagluluwag sa quarantine restriction sa Kalakhang Maynila mula sa nasabing petsa hanggang katapusan ng buwang kasalukuyan.

Paglilinaw ni IATF at Presidential spokesperson Harry Roque, mga fully vaccinated lamang ang maaaring papasukin sa simbahan.

50% naman ang pahihintulutan sa labas ng simbahan kahit ano pa ang vaccination status.

Magugunitang, 10% lamang ang pinahintulutang capacity sa indoor activity ng simbahan habang umiiral ang Alert level 4 sa NCR.

Habang 30% ng fully vaccinated naman ang papayagan sa indoor exhibitions, reception, amusement parks, movie houses, licensure exams at iba pa. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment