BABAENG VIRAL SA SOCIAL MEDIA SA PANGINGIDNAP, ARESTADO

KIDNAPPER by JHAY JALBUNA.jpg

(Ni FRANCIS ATALIA / Lawaran ni JHAY JALBUNA)

NAHULI na ng Manila Police District Santa Ana Police Station ang babaeng hinihinalang viral umano sa social media dahil sa nangunguha ng mga bata matapos magtangkang kunin ang isang 3-taong gulang na batang lalaki sa Dagonoy St., Sta. Ana, Manila.

Sa inisyal na ulat, kinuha umano ng suspek na nakilalang si Charito Tuyawan Fernandez, 45, may-asawa, ang bata sa may tindahan subalit nang maalerto ang mga kamag-anak ng biktima ay agad itong tumakas.

BATA-3
Ipinakikita ng 3-taong gulang na batang lalaki kung papaano siya hinawakan ng suspek.

Ayon sa mga saksi, pumasok umano sa Esmeralda st. si Fernandez kung saan may nagaganap na birthday at doon nagpalit ng damit.

Natunugan naman ng mga tao roon na hindi imbitado ang suspek kaya agad na ipinadakip sa mga tanod ng Brgy. 769, Zone 83, Sta. Ana, Manila.

Agad namang tumawag ng pulis ang barangay kaya nadakip ang babaeng viral umano sa facebook.

Ang babaeng tinutukoy na kalat na sa social media ay ang ipinost na larawan ng isang Aivie Mae Rios na nagbababala at nananawagan na mahuli na sana ang babae dahil nangunguha umano ng mga bata.

Mababasa pa sa post na nagpapanggap umano ang babae na baliw at may 2 puting van na kasabwat ang suspek sa pangingidnap.

Nahaharap si Fernandez sa kasong abduction of minor habang inaalam pa ng pulisya kung talagang siya  nga ang nasa viral photo.

Related posts

Leave a Comment